Lala's POV
Kung inaalala niyo ako. I'm fine at alam kong magiging okay din ako.
Isang linggo ang lumipas matapos kung iwan si Dustin sa rest house at hanggang ngayon wala na nga akong balita sa kanya. Mukhang tinutuo na nga niya ang sabi niyang lalayo na sa akin. Well, okay na rin yun para wala ng umasa at masaktan pa.
Nauntog na din ako ng ilang beses at tatanggapin ko na lang ang sitwasyon. Sana lang maging malaya na din siya sa naging pasya niya.
Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa dalawa kong anak at sa aking trabaho. Gusto kong mapagod at ipakitang hindi ako apektado. Pero nakakainis lang dahil sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Mukha ni Dustin ang nakikita ko.
Paano ko siya makakalimutan kong hinahanap siya lagi ng aking sistema. Minsan nga sinisi ko ang aking sarili na kung hindi ko tinanggal si Dustin sa kumpanya siguro hindi mangyayare ang nangyayare ngayon.
Hays.
Si Cris naman panay alalay sa akin. He make sure na okay ako. Lagi niya nga akong kinakausap at dinadalhan ng mga kung ano-anong pagkain. Sobrang nakakakilig daw sabi ni Ate Lovely. Syempre kontrabida ako kaya binara ko na naman siya. Hindi raw ako marunong mag appreciate ng isang bagay. Manhid daw ako.
Tss! Siguro nga manhid talaga ako o nagmamanhid-manhidan lang. Ayuko lang talagang bigyang kahulugan ang isang bagay. Ayukong umasa.
Maaga akong pumasok at muling isinantabi ang mga bagay na naiisip ko kapag mag-isa lang ako. Binati naman agad ako ng mga empleyado ko pagpasok ko sa loob ng kumpanya. Tudo ngiti naman ako na parang totoo.
Pagpasok ko sa aking opisina ay agad ko namang kinalikot ang laptop ko. Ganito ako kaworkaholic. Kailangan ko kasing maging productive sa loob ng kumpanya. Nakakagoodvibes lang kasi dahil naging successful yung launching namin ng underwear. Tumaas yung sales namin sa market at nalagpasan pa ang sikat na apparel branch pagdating sa underwear.
"Good Morning. " masayang bungad sa akin ni Beki na palong-palo na naman ang makeup. Lately ko lang napansin yung pagkapal ng makeup niya.
"Good morning mukhang happy?? " sabi ko.
"Yes. " sabi pa niya at hinawi pa ang kanyang mahabang buhok.
"Good for you. " sabi ko at muling ibinalik ang aking atensyon sa mga files.
"Wait. Nasabi na ba sayo ni Sir Cris na kukunin kang guest sa isang sikat na TV show?? "
"TV show?? " puno ng pagtataka kong tanong.
"Yes Ms. Lala. Kilala mo ba si Tito B?? " umiling ako dahil wala naman talaga akong kilala. Napairap naman si Beki na kulang na lang higupin ako ng mga tingin niya.
Yung totoo!?
"Oh my god! Hindi mo siya kilala!? "
"The hell I care. Wala akong panahon kilalanin ang taong tinutukoy mo. " pagtataray ko at muli kong ibinalik ang tingin sa monitor ng laptop.
"Si Kuya B. Siya lang naman ang isa sa mga sikat na host sa isang kilalang network. Lahat ng giniguest niya talagang mga kilala sa iba't-ibang larangan. Yung last guest niya si Ms. Margaret. " napatingin naman ako bigla sa kanya.
Teka?? Sikat?? Artista?? Host??
"Bakit hindi mo naman sinabi agad Beki. Sabihin mo sa kanya aayosin ko lang yung schedule ko. You know busy person. Magpaset ka na din ng meeting. " mabait kong sabi. Syempre change mode ang lola niyo.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.