Chapter 54 : Our Wedding

841 23 1
                                    

Five months to be exact bago ang araw na ito. Ang araw na ikakasal ako sa taong mahal na mahal ko. Sa totoo lang walang pagsidlan ng tuwa ang aking sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na ito. Ang araw na magdudugtong sa aming dalawa.

All I can say is to thank everyone for this day. Sa araw na pinakaespesyal sa dalawang taong nagmamahalan. Maswerte ako dahil siya pa din hanggang dulo ang makakasama ko.

Kagaya ng ilang couples ay nag-aaway din kami. Nagtatampuhan pero hindi namin pinapatagal. Mostly, ako yung madalas ang mang-away dahil buntis ako. Lagi kong kinukurot si Dustin to the point na nagkakasugat sugat na. Pinanggigilan ko ang aking asawa. May mga signs din na gustong gusto ko siyang nakikita. Kahit busy siya sa work kapag gusto ko siyang makita talagang pumupunta ako ng office para lang makita siya.

One time pa nga ay napaiyak ako dahil hindi ko siya nakita. Nung nag out of town siya for business talagang hindi ko siya pinatulog ng gabing iyon dahil hindi ko siya tinigilang kausapin hanggang malobat yung phone ko. Sinabi nga sa akin ni Mommy na puyat na puyat daw si Dustin nung meeting nila sa isang client.

Seven months na ang baby ko sa loob ng aking tummy. Malaki na ang tiyan ko. I hate this word pero tumaba ako at lumubo dahil lalake ang anak namin. Naiinis ako noon dahil ang itim itim ng katawan ko to the point na ayukong lumabas ng mansyon. Si Mommy at Dustin naman panay paalala sa akin na its normal daw sa nagbubuntis saka na daw ako magpaganda kapag lumabas na ang baby ko.

Naging iyakin kasi ako habang nagbubuntis lalo na kapag naiisip kong pumanget ako ng konti baka iwan ako ni Dustin. Meron pa lang ganong sign. Hehe. In other side masaya ako dahil nararanasan ko ng maging full time mother sa aking mga anak.

Si Ate Lovely balik sa pagmomodel sa ibang bansa. Kinuha siya ng isang kilalang clothing line para maging model nito. Masaya ako para sa kanya. Iyon ang pangarap niya ang makilala sa buong mundo bilang isang modelo. And I'm glad dahil unti unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya.

Napangiti ako habang nakaharap sa salamin at inaayosan ako. Ilang oras na lang at ikakasal na ako.

“Beautiful Lala.” napatingin ako sa may pinto.

“Lorraine!” ang nakangiti kong tawag. Agad siyang lumapit sa akin at nagbeso. “Akala ko hindi ka na makakarating.”

Mula Europe ay pinabalik ko si Lorraine dito para saksihan ang kasal ko. Malaki din ang naitulong ni Lorraine sa akin para maging matatag sa buhay. Noong panahon ng aking kalungkotan ay magiliw niya akong dinamayan at nauwi nga iyon sa magandang samahan. Dumalaw din pala siya sa akin nung nasa ospital pa kami.

“Pwede ba iyon? Gusto kong makitang kinakasal ang aking best friend.” ang masayang sabi nito at ibinaling ang tingin sa aking tiyan na nakaumbok. “Kahit malaki na ang tiyan mo, maganda ka pa rin.”

“Thank you. Malikot na nga sa loob palagi akong sinisipa.” ang pabiro kong sabi.

“Excited na kong makita ang inaanak ko.” sabay kaming napatawa sa sunod na sinabi niya. Wag daw magmamana sa Daddy itong baby ko para walang mapaiyak na babae.

Isa rin si Lorraine na kinuha kong maid of honors. Malapit siya sa akin at para ko na siyang kapatid.

“Ready na ba ang aming bride?” sabay kaming napalingon ni Lorraine sa may pinto at nakita namin sila Mommy at Ate Lovely. Ang ganda nila sa kanilang suot.

“Mommy.” tawag ko at tuluyan na nga silang lumapit sa akin. Kilala na rin naman nila si Lorraine kaya nagbeso sila sa isa't isa.

“You look beautiful Sissy.” si Ate Lovely wearing her favourite smile.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon