Minsan sa dami ng maling nagawa mo sa buhay ay mas gugustuhin mo pang sumuko na lang sa laban. Sa laban na alam mong ikaw din ang talo. Kailangan kong tanggapin na talunan ako. Mahina at hindi ko kayang mag-isa.
Marami akong narealize na pagkakamali ko na hindi dapat tularan ng sinumang nilalang.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Mommy at agad na pumasok sa loob.
"Mom. " malumanay kong tawag sa kanya.
"Lala. " kunot-noo niyang tanong marahil nagtataka siya kung bakit ang lungkot ng boses ko.
Wala na akong inaksayang sandali at mabilis na niyakap si Mommy ng mahigpit at kasunod nun ang pagbuhos ng aking mga luha. Walang mas hihigipit pa sa isang yakap ng ina.
"May problema ba?? " tanong niya sa akin habang hinahaplos ang likod ko. Sobrang miss ko ang ganitong scenario.
"Mom I'm so tired! Pagod na pagod na ko Mom. Hindi ko na kaya. Ginawa ko lahat para maging mabuti pero hindi pa rin sapat iyon. Tinitingnan pa rin nila ang kahinaan ko. " umiiyak kong sabi kay Mama habang nakayakap ako sa kanya.
"Alam ko Lala. "
"Masama ba ako Mom!? Bakit parang pakiramdam ko may kulang pa rin sa akin. Kailan ko ba mapupununan ang lahat ng pagkukulang ko. Mahirap bang maging matalino?! Maging maganda?! Bakit ang taas ng expectations nila. Hindi naman ako robot eh! Sobrang pagod na pagod na ako to the point na gusto ko ng mag suicide. Feeling ko, ako lang mag-isa sa mundo. Alam mo ba yung ganon?! " at mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko sa balikat ni Mommy.
"Hindi ka nag-iisa anak. Pakiramdam mo lang iyon. Were always here kami ng Daddy mo, ng Ate Lovely mo at yung mga anak mo. I understand you anak. You need to find yourself first. Hanapin mo yung sarili mo. " advice sa akin ni Mommy.
Natahimik naman ako habang patuloy na hinahagod niya ang likod ko.
"Thanks Mom. " humiwalay ako sa pagyakap kay Mommy. "Siguro nga kailangan kong hanapin yung sarili ko. " dugtong ko pa habang pinupunasan naman ni Mommy yung luha sa mga mata ko.
Nakangiti lang si Mommy habang pinagmamasdan niya ako. Nakakagaan lang ng pakiramdam na may nasasabihan ako kung gaano kabigat ang nararamdaman ko.
"You're a strong woman Lala. " saka niya ako niyakap.
Pakiramdam ko tuloy bumalik ako sa pagiging bata. Kayakap ko si Mommy habang nagsusumbong ng kabiguan ko sa buhay.
Kinabukasan ay pinilit ko pa ring maging kalmado. Kinausap ko ulit si Mommy na gusto ko ng magpahinga. Na gusto ko ng magresign. Nagulat pa nga siya pero sa huli natanggap din niya. Kailangan ko lang siguro mapag-isa at makalimot.
Gusto ko lang naman kasi na makalayo pansamantala mula sa stress at halo-halong emosyon. Sobrang hirap nito para sa akin pero kailangan. Dahil kahit paano sobrang napamahal na sa akin ang kumpanya. Sa dami ko ba namang natutunan kaya sobrang masama lang sa loob ko. But I have no choice! Nakapagdesisyon na din kasi ako.
Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan. Sobrang bigat ng mga hakbang ko na para bang ayuko ng magpatuloy. Sa bawat hakbang ko ng aking mga paa ay ang mas lalo pang pagbigat ng aking dibdib.
Sa bawat sulok ng kumpanya ay nakikita ko ang aking sarili na naglalakad habang nakataas ang aking kilay. Ganon din ang pagtanggal ko sa ilang empleyado at pagsermon ko sa kanila. Parang umappear bigla sa aking harapan kung paano ko sila laitin at sampolan.
Sobrang ang dami kong tinapakang tao. Sobrang ang dami kong nasaktan. Hindi ako deserve na mapunta sa heaven dahil nilalamon na ako ng sarili kong apoy.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.