"Ate May. Anu ba naman yang itsura mo? Hindi ko maipinta sa lungkot eh." Puna sa akin ni Kisses.
"Wala to. Ok lang ako." Pinilit kong ngumiti.
"Ate May. Wag ka nga. Super excited ka kaya nung inaaya kita na mag-movie marathon tayo dito sa bahay. Tapos ngayon parang pasan mo mundo."
"Siyempre excited ako. Bakasyon na eh. Ang sarap manuod ng kung ano ano."
"Kaya nga. Anung problema?" Pangungulit niya.
"Kisses. Tumawag si Mama sakin kanina." Eto na naman. Naalala ko na naman mga napag usapan namin ni Mama.
"Oh anu sabi? Kamusta daw sila tita?" Tanung niya habang kumakain ng chips.
"Baka daw huminto muna ko sa pag-aaral sa darating na sem." Malungkot kong balita sa kaniya.
"Hala! Bakit naman Ate May?" Gulat niyang tanung.
"Tumaas daw mga bilihin dun. Tas sa 3 trabaho ni Mama. Nawala pa yung isa. Nagsara na daw kasi yung pinapasukan niya na yun. Kaya yung mapapadalang pera sapat lang daw para sa gastusin namin sa bahay."
"Pero Ate May. Mahirap mapahinga sa pag aaral. Lalo na ngayong konti na lang gagraduate na tayo."
"Kaya nga nag-iisip ako ng paraan kung anung magagawa ko." Pero wala talagang madaling paraan.
"May naisip ka na? Ano yun Ate May?"
"Scholarship." Sagot ko sa kaniya.
"Uy mukhang okay yun Ate May ah. Pero pano?"
"Diba yung mga club sa school natin nag ooffer ng scholarship?"
"Oo. Kaso diba bawat isang club 5 members lang ang pwede maging scholar? Hindi ba halos lahat ng club sa school parang ubos na ata yung slots for scholarship?"
"Kisses nabalitaan ko sa mga classmates natin na 2 lang daw na members ng drama club ang scholar. Plano ko dun mag audition." Pero hindi ako sigurado kung magaling ako umarte.
"Ayun pala eh. Nako Ate May kayang kaya mo yun. Galingan mo ah. Alam mo naman na ako unang malulungkot pag nag stop ka sa pag aaral. Alam mo namang di na tayo mapaghiwalay." Sabay yakap sakin ni Kisses.
"Oo naman. Gagalingan ko. Para sa pag aaral ko at para sa bestfriend ko. Nung malaman ko talaga na magstop ako naisip ko kaagad mamimiss kita." Medyo naluluha ako kasi kahit na medyo may pag-asa ako makapagpatuloy sumasagi pa rin sa isip ko pano kung di ako matanggap. Mamimiss ko ng sobra ang bff ko.
"Kaya yan Ate May. Naniniwala ako sayo."
"Salamat kisses. Manalig lang tayo kay Lord." Nginitian ko siya.
"Oh anu pang hinihintay natin? Pagkatapos natin mag movie marathon. Magpapraktis ka ng mga scene sa pelikula. Paghahandaan natin to Ate May."
"Tamaaaa. Lika na." Aya ko sa kaniya.
Sa kabilang panig ng kwento...
"Direk? Pinatawag niyo daw po ako."
"Yes Edward. Halika. Maupo ka."
"May sasabihin po ba kayo sa akin?"
"Yes. Mayroon akong good news at bad news sayo. Anung gusto mong mauna?"
"Bad news na lang po."
"Okay. The bad news is, romantic comedy ang genre ng film festival this year."
"What? Pero direk. Alam nyo naman po na..."
"Yah I know. Hindi mo forte ang romantic comedy. Pero you are a great actor Edward. Ikaw ang pinakamagaling dito sa drama club. Malaki ang tiwala ko sayo. Mananalo ka ba ng best actor kung hindi ka mahusay?"
"But still, marami pa akong dapat matutunan. What's the good news direk?"
"Guest judge si Liza Soberano sa darating na film festival."
"Wow. That is a very good news direk."
"Halata nga. Yung ngiti mo hanggang tenga eh. Get ready. We'll start the practice in 5 minutes."
"Sige po direk."
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆