Chapter 19

1.7K 112 45
                                        

"Ate May." Nilapitan ako ni Kisses at niyakap ako ng mahigpit.

"Galing ka ba ng school?" Tanung ko.

"Yup. Labas ka namang kwarto Ate May. Hindi ka pa ata kumakain eh."

"Wala akong gana."

"Kahit na dala ko yung favorite mo?"

"Di ako nagugutom baby girl." Tanggi ko.

"Kahit na lasagna pa yung dala ko?" Pangungulit niya.

"Halika na nga. Kanina pa ko nagugutom eh." Nauna na ako maglakad sa kaniya papuntang kitchen.

"Hindi ka nga magutom. Eh kahapon ka pa nasa loob ng kwarto. Kung hindi ka iiyak. Matutulog ka."

"Sorry ah. Dito pa ko nagdrama sa bahay niyo."

"Okay lang yun Ate May. Tsaka wala naman sila Mama at Papa."

Naupo na kami para kumain.

"Ang sarap. Nakakagutom pala magdrama." Komento ko.

Tinawanan ako ni Kisses.

"Nakita ko nga pala kanina si Yong. Nagka-usap kami."

"Magkakilala kayo?"

"Siya ang lumapit sa akin. Sabi niya nanghula lang daw siya kung ako ba si Kisses." Bida ni Kisses.

"Anu namang napag-usapan niyo?" Usisa ko.

"Binida niya sa akin kung anung nangyari. Kasi nga iyak ka ng iyak Ate May. Kaya hinayaan muna kita."

"Nakakaiyak kasi talaga." Nag-umpisa na naman tumulo ang mga luha ko.

Inabutan ako ni Kisses ng tissue.

Naalala ko na naman lahat. Hindi ko makakalimutan kung gaano kadisappointed ang mukha ni Edward.

"Kumain ka mabuti Ate May. Lalo kang papayat niyan."

"Sa palagay mo Kisses paano ako makakahingi ng tawad kay Edward?" Tanung ko sa kaniya.

"Bakit ikaw ang hihingi ng tawad Ate May? Di naman ikaw may kasalanan."

"Di naman mahalaga kung sino ang may kasalanan. Kahit na isang buwan ko pa lang silang kilala ni Yong. Napalapit na sila sa akin."

"Eh pano kung sarado pa din siya sa mga sasabihin mo?"

"Bahala na. Mas mahalaga ang pagkakaibigan namin kesa sa pride."

"Basta Ate May. Andito lang ako lagi." Hinawakan niyang kamay ko.

"Salamat." Nginitian ko siya.

"Oo nga pala Ate May, parang ang bait ni Yong." Puna ni Kisses.

"Mabait talaga yun. Napakamatulungin pa." Dagdag ko.

"Lagi kasi siyang nakangiti. Tas parang ang positive niya lang."

"Oo. Buang din yun eh."

Naalala ko lahat ng mga tawanan namin ni Edward at Yong. Sana maging okay na lahat.

YONG'S POV

Bumili ako sa canteen ng makakain ni Edward kasi hindi pa siya lumalabas ng quarters, mag aalas tres na ng hapon.

Kakausapin ko pa sana siya para makumbinsi na makipagbati kay Ate May kaso pinapaulanan ako ng English.

Baka pag nakakain yun, magliwanag ang utak.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon