"Salamat nga pala sa pagsundo mo sa akin kagabi ah." Pagpapasalamat ko kay Yong.
"Wala yun Ate May. Pero sa totoo lang. Malay ko ba na sa magandang subdivision pala nakatira yang si Kuya Tanner. Muntik pa akong maligaw. Tapos yung guard. Pinashot pa ako, bago ako papasukin. Wow talaga. Wow." Pagrereklamo niya.
"Talaga ba?" Paninigurado ko.
"Etong mukhang to Ate May? Manloloko?"
"Oo. Haha." Biro ko sa kaniya.
"Ay grabe bai. Personalan na to."
"Joke lang. Pero Yong salamat ah." Ulit ko.
"Saan na naman Ate May?"
"Sa pagiging isang mabuting kaibigan. Wala kang pinapanigan pag nagkakaroon kami ng di pagkakaunawaan ni Edward. Alam ko may nasabi akong masasakit kay Edward. Di ko naman gustong sabihin yun, naging emotional lang ako."
"Ate May, ganun talaga ang kaibigan. Tsaka alam mo naman na botong boto ako sa inyong dalawa eh." Pang-aasar niya.
"Wag na nga nating isipin yan. Maraming mas importante tayong dapat pag-usapan kaysa sa feelings feelings na yan."
"Ano ba yan? Ang seryoso mo naman agad Ate May." Puna niya.
"Totoo naman."
"Oh eh bakit mo nga pala ko inaya dito sa cafe?" Tanung niya.
Umagang umaga ko kasi siyang tinext. Sabi ko magkita kami sa cafe kung saan niya kami nakita ni Ate Jinri.
"May naisip kasi ako. Kailangan ko ang convincing powers mo." Pahayag ko.
"Ay anu yan bai?" Kinakabahan niyang tanung.
"Kung pondo lang naman pala ang problema kaya hindi tayo matutuloy sa pagsali sa film fest, ibig sabihin pondo lang din ang solusyon sa problema natin."
"Tama. Pero saan nga tayo kukuha?" Usisa niya.
"Lumapit ka sa akin. Ibubulong ko sa'yo." Aya ko sa kaniya.
Sumunod naman siya.
😏
"Mauna ka na bai." Sabay tulak sa akin ni Yong sa pinto ng office ni Direk.
"Ikaw na. Ako na nga nag-isip eh." Siya naman ang itinulak ko.
"Kaya nga bai. Ikaw nag-isip. Ikaw mauna." Hinahatak hatak niya ako.
"Sige na Yong. Ikaw na." Tinulak ko siya ulit.
Napalakas ng bahagya kaya bumukas ang pinto.
"Tuloy." Sabi ni Direk.
"Sabi ko sa'yo bai eh." Paninisi sakin ni Yong.
Hahaha. Ayaw pa kasi niya.
"Okay na yan. Dali na. Ikaw na magsabi." Utos ko.
Napilitan siyang maglakad papalapit sa table ni Direk.
Sumunod naman ako.
"Ano yun?" Tanung ni Direk.
"Ano po kasi eh. Direk..." Hindi maituloy tuloy ni Yong ang sasabihin niya.
"Yes?" Tugon ni Direk.
Tiningnan ako ni Yong. Pinipilit niyang ako na ang magsabi.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆