YONG'S POV
"Do you like Maymay?"
Bai napapano ka ba? Bakit kailangan mong tanungin si Kuya Tanner.
Napanganga lang si Kuya Tanner. Nagulat din sa ginawa ni Edward.
"Gotcha! Tingin ka sa camera Kuya Tanner!" Itinaas ko ang cellphone ko, kunwari ay ivinivideo ko siya.
Tiningnan ako ng masama ni Edward, nagtataka siya sa ginagawa ko.
"Na-wow mali ka Kuya Tanner. It's a prank!" Pumapalakpak ako habang inuutusan ko si Edward gamit ang mga mata ko na gayahin niya ang ginagawa ko.
"Prank! Prank! Prank!" Sabi ni Edward kay Kuya Tanner.
Salamat. Nakisakay din.
"Hahahaha. Sorry Kuya Tanner. Ang sarap mo lang kasing iprank bai. Haha. Sakit ng tiyan ko. Haha." Tawa lang ako ng tawa kahit wala naman talagang dahilan, para lang mapapaniwala ko si Kuya Tanner.
"You guys are silly. Haha. I thought you are serious." Tumawa din si Kuya Tanner.
"Haha. Galing kasi umarte nitong si Edward nuh? Pang best actor talaga eh. Walang duda bai." Inakbayan ko si Edward.
Pinipilit niyang tumawa kahit na parang asar na asar siya.
"He is really good at acting. You got me. You were rushing like you really mean it. Hahaha." Komento ni Kuya Tanner.
"Oh pano Kuya Tanner. Una na kami." Pagpapaalam ko.
Kinabig ko patalikod si Edward at naglakad kami papuntang quarters.
"Why did you do that?" Galit na tinanggal ni Edward ang pagkakaakbay ko sa kaniya.
"Nababaliw ka na ba bai? Ay siguro nga baliw ka na." Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagkalito ko kay Edward.
"I've been meaning to ask him." Sabi ni Edward.
"Para saan bai? Para saan?" Gigil kong tanung.
"I want his answer. I desperately want his answer." Kinuyom niya ang kamao niya.
"Bai kumalma ka muna. Umupo tayo dito." Tinuro ko ang malapit na upuang natanaw ko.
Sumunod naman siya.
Napasapo siya sa ulo niya.
"Why did you stop me?" Tanung niya ulit.
"Bai naman. Sumugod ka dun nang wala sa sarili. Diba sabi mo sa'kin dati na kung maaari wag kang magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga katrabaho mo sa set? Asan na yung bilin mo na yun bai?" Pagpapaalala ko sa kaniya.
"I can't think properly right now." Walang pasensiya niyang sabi.
"Gagawa kayo ng movie bai. Gusto mo ba na magkakailangan kayo?" Tanung ko sa kaniya.
"Of course not." Umiling siya.
"Sabi mo pa nga dapat pinaghihiwalay ang pag arte at ang personal na buhay." Dagdag ko.
"I'm sorry. I'm messed up."
"Tsaka bakit ba gusto mo malaman bai?" Usisa ko.
"I really don't know. I'm also surprised by what I did." Pag-amin niya.
"Kung sumagot siya ng oo, anung gagawin mo?"
"Argh. This is so frustrating."
"Bai. Hindi kung kelan lang may kaagaw tsaka ka lalaban."
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆