Chapter 40

1.7K 114 47
                                    

"Was that your boyfriend?" Tanung ni Ate Jinri habang nag-aayos ng gamit.

"Po?"

"The guy you were with kaninang kumukuha kayo ng room keys." Pagpapa-alala niya.

"Ay hindi po. Kaibigan ko po yun. President po siya ng drama club namin." Paliwanag ko.

"Really? Well you look good together."

"Ay hindi po. Haha." Tinawanan ko na lang siya.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng gamit.

"So why were the two of you selected as the delegates for this event?" Tanung niya.

"Ah kasi po kami pong dalawa yung gaganap sa lead role ng movie entry namin sa film fest."

"Ah. I think he likes you." Nginitian niya ako.

"Naku, hindi po siguro."

Hinatak niya ako para maupo sa kama.

"Does he look at you a lot?" Usisa niya.

"May mga times po na pag matitingin ako sa kaniya, nakatingin na po siya sa akin."

"See, could it be pure coincidence? If it happens more than once, he probably likes you."

"Nagjojoke naman po kayo eh." Mahina ko siyang hinampas sa balikat.

"Hula ko. He often hugs you, he touches your hand or he puts his hand on your back."

Hindi ako nakakibo agad.

Bakit alam niya?

"Tama ako nuh? Have you noticed recently if he often pops up at places where you are?"

"Opo. Pero palagay ko po kaya po ganun kasi po magkasama po kami sa mga act. Tsaka magkaibigan po kami. Normal po na lagi kami magkasama." Kontra ko.

"No. It’s pretty obvious that he wants to be close to you." Dagdag pa niya.

"Hindi po magkakagusto sa'kin si Edward. Magaganda pong gusto nun."

"You're beautiful Maymay." Inayos niyang buhok ko.

Ang komportable lang niyang kausap.

"The question is, do you like him?" Mapang-intriga niyang tanung.

"P-po?" Gulat kong sagot.

"If you don't want to answer that. That's okay. Pero, I have a proposal for the two of you."

"Ano po yun?" Usisa ko.

"My team is planning to print a publication exclusively for the event. And I want you and Edward to be on the cover."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Talaga po? Seryoso po ba kayo diyan?" Napatakip pa ako sa bibig ko sa sobrang pagkamangha.

"Yup. You have chemistry with him. I guess the publication will look good."

"Salamat po. Salamat po." Yumakap ako sa kaniya.

"You're welcome. Go tell him the news."

"Sige po. Pupuntahan ko po si Edward ngayon din."

Nagtatakbo na ako palabas ng kwarto.

Sobrang saya ko.

Sigurado matutuwa din si Edward dito.

Kung pwede lang magtatalon dito kaso baka mapagkamalan akong baliw.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon