"Kaya naman pala kayo nawala kahapon." Sabi ni Yong.
"Pa'no nga si Edward kasi ang kulit."
"Ate May napapaisip na ko eh. Kaibigan niyo pa ba ko? Lagi niyo ko isinasantabi eh." Humikbi hikbi kunwari si Yong.
"Uy ito naman. Tingnan mo nga tinutulungan pa kita mag ayos ng props. Wag ka na magtampo."
Maaga akong tinawagan ni Yong para magpatulong. Sabado naman kaya pumayag na ako agad.
"De ang ibig mong sabihin Ate May, nagdate kayo?" Tanung ni Yong.
"Hindi date yun noh. Pinaparusahan niya nga ako. Nagsinungaling nga kasi ako sa kaniya." Panguso nguso kong bida.
"Ay kakaiba din si bai. Ang landi magparusa."
"Oo nga. Pinatay ako sa kilig."
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi ko. Bushak naman oh.
"Narinig ko yun Ate May. Yiiiieee. Crush mo na si Edward nuh?" Mapang-asar niyang tanung.
"Hindi ah. Anu bang sinasabi mo diyan?"
"Kinikilig ka eh. Wag mo na ikaila." Patuloy niya sa pang-aasar.
"Diba ang crush ay paghanga? Eh anu namang hahangaan ko kay Edward? Yung noo niyang malaki?"
"Ang simple lang ng tanung ko Ate May. Kung saan ka na kaagad nakarating. Dali na. Crush mo na ba? Wag ka mag-alala hindi ko sa kaniya sasabihin." Pangungumbinsi ni Yong.
"Hindi nga. Puro ka kautuan eh. Ang hirap hirap kaya nun kausap. Puro english." Reklamo ko.
"Ah nahihirapan ka pa niyang lagay na yan ah. Eh di na nga kayo mapaghiwalay."
"Tumigil ka nga diyan. Oo nga pala, di mo ba siya tinawagan para magpatulong?" Tanung ko.
"Tinawagan ko eh. Baka darating na din yun mamaya. Inaasikaso siguro yung paparating na birthday niya." Paliwanag ni Yong.
"Birthday ni Edward? Kelan?"
"Next week bai. Sa 15."
"Ah. May regalo ka na?" Usisa ko.
"Wala pa kong naiisip bai eh. Ikaw na lang kaya iregalo ko. Dali Ate May. Ibabalot kita. Saya siguro ni Edward nun. Hahaha." Tawa ng tawa si Yong.
Nilapitan ko siya para batukan.
"Aray!"
"Ang galing mo talaga mang-asar nuh." Pinalo-palo ko siya.
Naupo muna ko para magpahinga. Nakakapagod si Yong.
"Hala. Ibig sabihin kailangan kong mag-isip ng ireregalo. Saan ba mahilig si Edward?" Tanung ko.
"Sa mapayat, matangkad, magaling umarte, magaling sumayaw at kumanta." Sagot niya.
Binatukal ko siya ng suklay ko.
"Bagay ang tinutukoy ko. Puro ka kalokohan talaga. Seryoso yung tanung ko."
"May kulang pa ba sa taong yun? Parang nasa kaniya na ata lahat. Ikaw na lang kulang. Hahaha." Ayaw talaga ako tigilan ni Yong.
"Hello guys! Am I missing something?" Bati ni Edward.
"Ayan ka na pala bai." Sabi ni Yong.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆