MAYMAY'S POV
"Ibaba ang tuition!"
"Refund! Refund! Refund!"
"Bakit sila nagrarally?" Tanung ko kay Yong.
"Yan yung sinasabi ko sayo nung isang araw Ate May." Sagot niya.
Nadaanan namin ang grupo ng mga magulang na nagrarally sa may gate ng school namin habang palabas kami para bumili ng pagkain sa malapit na convenience store.
"Ah nung nagpaalam ka na tutulungan mo si Direk magbuhat?"
"Oo. Inaaraw araw nga ng mga magulang ang pagrarally. Minsan pag pauwi ako sa gabi, nandiyan pa din sila bai." Kwento niya.
"Eh ano daw ang dahilan?" Usisa ko.
"Gaya ng nakikita mo sa mga poster nila Ate May. Nirereklamo nila na mataas daw masyado ang sinisingil ng school sa mga elementary. Ang dami daw pinapabayaran na hindi naman kailangan." Paliwanag ni Yong.
"Taray! Dami mong alam ah. Bakit di mo subukan mangandidato ng pagka-Mayor? Yong Muhajil for Mayor! Bagay!" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Gusto ko nga sana bai. Kaso overqualified daw ako. Sayang daw ang kagwapuhan ko kung magmemayor lang ako." Pagmamayabang niya.
"Tara na nga lang bumili ng pagkain. Para makaalis na tayo agad. Malayo layo yung location natin ngayon." Aya ko sa kaniya.
"Oo nga bai. Palagay ko aabutin tayo ng madaling araw dun." Komento ni Yong.
Habang namimili kami ng mga bibilhing pagkain.
"Ate May, nag-usap na ba kayo ni Edward?" Tanung ni Yong.
"Yung usap na mahaba, wala pa talaga. Parang lumalayo siya. Gusto ko muna siyang bigyan ng space." Pilit ngiti kong sagot.
"Pakiramdam niya kasi siguro natraydor siya. Pero magkakabati din kayo nun. Partners kaya kayo bai. Lalo na sa pambubully sa'kin." Kunwaring nagtatampong sabi ni Yong.
"Sana nga. Oh tapos ka na diyan?" Tanung ko.
"Oo. Instant champorado lang naman ang bibilin ko eh. Tara na sa cashier."
Nagbayad na kami at bumalik na din kami agad sa loob ng school.
"Guys, ilagay niyo na lahat ng gamit niyo sa loob ng mga van. Props team, paunahin niyo na sa location ang truck kung wala na kayong naiwan." Utos ni Direk.
Nakita ko si Edward na palakad na papunta sa van.
"Tara dun na lang din tayo sumakay bai." Aya sa akin ni Yong.
"Sa ibang van na lang kaya." Pag-aalinlangan ko.
"Diba gusto mong magka-ayos kayo?" Tara na dun." Pamimilit niya.
"Sigurado ka? Baka lalo siyang magalit eh."
"Hindi yan. Halika na." Hinatak hatak ako ni Yong.
"Sige na. Sige na. Sa isang kondisyon."
"Ano yun?" Usisa ni Yong.
"Ikaw ang mauupo sa pagitan namin." Sabi ko.
"Arrggghh. Oo na bai. Sige na." Pagpayag niya.
Binuksan ni Yong ang van, nakaupo na si Edward malapit sa bintana.
Tiningnan niya kami pero bumalik din agad ang tingin niya sa bintana.
Umakyat si Yong at sumunod na din ako.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fiksi Penggemar[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆