YONG'S POV
"Bai naman. Kelan mo ba ko patutulugin ng maayos?" Reklamo ko.
"Sleep again later."
"Bakit mo ba kasi ako pinapunta dito sa bahay niyo bai?" Naiirita kong tanung.
"We're going on a date. Tingnan mo 'tong isusuot ko." Utos niya sa akin.
"Bai naman eh. Di pa nga ako makadilat oh." Reklamo ko na naman.
"Hurry up. I don't want Maymay to wait."
"Magni-ninong ka ba sa kasal o maga-anak ka sa binyag? Bakit ganyan suot mo bai?" Pagtataka ko.
Nakapolo kasi siya ng puti na malapit na sa itsura ng barong.
"It doesn't suit me?" Tanung ni Edward.
"Hindi. Palitan mo nga bai. Sobrang kaba mo ba at hindi ka makapili ng isusuot?"
"Yup. This is our first date. I want to impress Maymay." Confident niyang sabi.
"Hindi mo na kailangang i-impress si Ate May. Kilalang kilala niyo na ang isa't isa bai. Tsaka date? Gusto ka na ba ulit ni Ate May?" Mapang-asar kong tanung.
"She's not granting my wish yet. But today I'll make sure that she'll like me again."
"Palagyan mo kasi ng kuryente yung bakod mo. Ayan yung blue na polo, parang okay yan." Turo ko sa mga nakasabit niyang damit.
Sumunod naman siya at nagpalit.
"How about this? Okay na?" Tanung ni Edward.
"Pwede na yan. Antok na antok na ko bai." Bakit ba kasi ang hilig nila akong abalahanin?
Tiningnan niya ang sarili sa salamin.
"Okay na yan bai. Gwapo ka na. Pakiss nga." Umakma akong hahalikan ko siya.
Tinulak niya ako agad. Hahaha.
Takot na takot si noo.
"You're going nuts." Sabi ni Edward.
"Subukan mo kayang may nang-aabala sa tulog mo. Try mo lang. Baka masabog ka din bai."
"Okay okay. Let's go buy some flowers." Tinulak niya ako palabas ng bahay nila
"Bai akala ko ba titingnan ko lang yung isusuot mo. Bakit sinasama mo na naman ako?" Hindi na maubos ang reklamo ko.
"Don't complain. Tara na." Aya niya.
Kaladkarin mo na lang ako bai. Ayoko na. Huhuhuhu.
"Wag ka na bumiling bulaklak. Mamimitas na lang akong santan sa bakuran niyo."
"No. We should buy white roses. Come on." Excited niya aya sakin.
Siya lang talaga excited. May sapak na si bai.
Para matapos na, sumunod na ko sa kaniya.
😧😧😧
MAYMAY'S POV
Nasaan na kaya si Edward?
Bushak. Hindi ako nakatulog ng maayos.
Hindi ako makapaniwala na inaya ako ni Edward lumabas.
Pero ang pinagtataka ko, bakit dito kami sa school magkikita?
"Maymay!"
Tumingin ako sa likuran ko.
Nakatayo si Edward pero nakatago sa likod ng bulaklak ang mukha niya.
"Flowers for you." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆