Naghihintay ako sa students' lounge. Sabi kasi ni Edward dito ko daw siya hintayin.
Nasaan na kaya siya? Medyo matagal na din akong naghihintay. Matawagan nga.
Rrrrriiiinnnngggg.
Rrrrriiiinnnngggg.
Ay, ayaw naman sumagot.
Biglang may nagtakip sa mata ko.
Hinawakan ko yung kamay na nakatakip.
Tinatanggal ko kaso ang lakas niya.
"Guess who am I."
Pinilit kong hatakin yung kamay.
Nagawa ko naman.
"Pa-guess who, guess who ka pa. Ikaw lang naman kilala kong nag-eenglish." Sabi ko kay Edward.
"I'm just trying to surprise you."
"Kanina pa ko naghihintay dito." Sabi ko habang nakanguso ako.
"Sorry. Dumaan pa kasi ako kay direk. We had a talk." Paliwanag niya.
Di ko pinansin ang paliwanag niya. Pinakita ko na dismayado pa rin ako. Sa lapag lang ako nakatingin.
"Maymay. Don't be mad." Inangat niyang mukha ko.
"Sige na, sige na. Tara na. Gutom na kasi ako." Nginitian ko siya.
"Alright. Let's go. Mom is good at cooking. You'll be surely satisfied."
"Ay halata nga. Ang taba mo eh. Baboy!" Sinundot ko siya sa tagiliran.
"Before you are teasing my noo. Then now, you're calling me baboy." Siya naman ang nagmukhang dismayado.
"Uyyy joke lang. Binibiro lang eh."
"I'm also joking. I can't be mad at you." Ngumiti siya, lumabas na kami ng gate ng school.
"Ay oo nga pala. Wala man lang akong dala para sa mama mo."
"It's okay. You are a guest."
"Hindi pwede. Nakakahiya."
Hinila hila ko siya.
"Where are we going Maymay?" Tanung niya.
"Ano pa nga ba, bibili ako ng pasalubong para sa mama mo."
Tinuloy ko ang paghila sa tamad na tamad na Edward.
"What are you going to buy?"
"Dun tayo pupunta sa may nagtitinda nung mga sosyal sosyal na tinapay. Sa kabilang kanto lang yun." Naglakad na kami papunta dun.
"Maymay, okay lang talaga. My mom just want too see you." Pigil niya sa akin sa pagbili.
"Ay basta. Ako na lang papasok sa loob."
Iniwanan ko siya sa labas at namili na ako ng ibibigay sa mama niya.
Cupcakes na lang siguro.
Konti lang ang bumibili kaya natapos din ako agad.
Paglabas ko. Napansin ko na parang may nakatingin sa akin.
Tiningnan ko ang paligid. Wala naman.
"Is there something wrong?" Tanung ni Edward.
"Parang may nanunuod sa'kin. Alam mo yung ganung feeling?"
"I don't see someone suspiscious." Nagtingin-tingin din siya.
"Guni-guni ko lang siguro. Tara na. Baka naghihintay ng mama mo."
Tumango siya at kinuha sa akin ang pinamili ko.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆
![Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard](https://img.wattpad.com/cover/106098872-64-k459993.jpg)