Chapter 21

1.8K 126 41
                                    

Sumara ang pintuan sa main entrance.

Alam kong si Edward ang pumasok. Pero hindi ko siya maaninaw gawa ng patay ang ilaw sa papasok ng main entrance at may kalayuan na din ako ng konti mula dun.

Binuksan niya ang ilaw.

Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang mukha niya.

Wala yung reaksiyon at nakikita ko sa mata niya na nawala yung dati nung kislap.

Tiningnan ko siya. Hindi ko alam ang gagawin.

Marahan siyang naglakad pero napahinto siya at parang nagdadalawang isip. Itinutok ko lang ang mata ko sa kaniya.

Parang hinahalukay yung tiyan ko sa kaba. Hindi ko alam ang dapat maramdaman.

Yung ekpresyon sa mukha niya, parang nung una ko siya makita sa audition, nung hindi pa kami close. Naalala ko tuloy yung unang beses na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan.

Nakayuko siya. Hindi nagsasalita at parang nag-iisip kung anung dapat sabihin.

Nagpapawis na ang kamay ko sa kaba.

Naglakad siya papalit sa akin hanggang maliit na espasyo na lang ang pagitan namin.

Masaya ako na nasa harapan ko siya ngayon, na nakikita ko siya, na malapit siya sa akin kahit na hindi ko alam kung ito na ba ang huli.

Nalungkot ako bigla dahil sa naisip kong yun.

Tiningnan niya ko sa mata.

Umiwas ako ng tingin, hindi ako mapalagay sa kinatatayuan ko.

Yumuko ako, napansin ko na may hawak siya.

Yung litrato namin sa performance.

Bushak. Naiiyak ako. Naaalala ko kung gano kami kasaya nung nanalo kami.

Tiningnan ko siya ulit.

Sobrang lungkot ng mga mata niya. Parang kahit anung oras may tutulong luha.

Ibinuka ko ang bibig ko. Ngunit walang lumabas na boses mula sa akin.

Nabuang na. Marydale kaya mo 'to. Mas nakakakaba pa yung audition dito.

Hinihintay ko na kumibo siya pero nakatitig lang siya. Anu bang iniisip niya?

Gaya ng sabi ko. Hindi na importante kung sino may kasalanan.

"Edward makinig ka sana sa sasabihin ko. Hinding hindi...."

Hinatak niya ko palapit sa kaniya.

Yumakap siya ng mahigpit.

"Sssshhhhhhhh." Pinatahimik niya ko.

Di ko mapigilang mapaiyak.

Namiss ko siya.

Namiss ko yung ugali niya na yumayakap pag babati at magpapaalam.

Namiss ko yung lagi kong katawanan kahit na hirap na hirap kami magpractice.

Namiss ko yung nagpapalakas ng loob ko kapag iniisip ko na hindi ako magaling umarte.

Namiss ko yung kaibigan ko.

Niyakap ko din siya.

Sa sobrang iyak ko nababasa ko na ang balikat niya.

Nabitawan niya yung litrato.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon