Chapter 35

1.9K 141 40
                                    

"Ate May, nasaan yung makakaeksena mo ngayon?" Tanung ni Yong.

"Ayun sa may tabi ni Kuya Nikko." Turo ko.

"Yung naka-itim na polo?"

"Oo, yun nga."

"Ah. Eh tall, dark and ...... polite naman pala. Hahahaha!" Tumawa ng malakas si Yong.

"Uy grabe ka, baka marinig ka." Bawal ko sa kaniya.

"Alam mo Ate May, kilala mo naman ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang pinakagwapo sa lahat ng mga makaka-date mo." Pagmamayabang niya.

"Ay iba ka. Hapon na hapon ang hangin. Pumasok ka na nga lang ulit."

"Tapos na klase namin. Bilib din ako sa inyo eh. Ang sipag niyo mag-shoot."

"Kailangan kasi naming matapos. Kaya pagkatapos ng klase, dito kaagad ang diretso namin. Lalo na si Edward, ang dami niyang kinakabisa na tagalog lines." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Speaking of Edward. Asan siya bai?" Tanung niya.

"May pinakuha ata sa kaniya si Kuya Nikko."

"Maymay!" Tawag sa akin ni Kuya Nikko.

Lumapit ako sa kanila nung lalaking makaka-eksena ko.

"We'll start in 2 minutes ha. Pwesto na kayo." Utos ni Kuya Nikko.

Tumango ako, umayos na kami.

Nginitian lang ako nung lalaki.

Bushak na Yong. Naaalala ko yung sinabi niya, huwag sana akong matawa habang umaarte na kami.

"4,3,2....Action!"

"Uy sorry ah. First date natin, ikaw pa yung gumastos. Nakakahiya ako. Wala pa kasi yung inaasahan kong pera." Pagpapaumanhin ni Mr. Tall, Dark and Polite.

"Okay lang. May ekstrang pera naman ako." Tugon ko.

"Diba audit supervisor ka? Siguro ang laki ng sweldo mo nuh?" Tanung niya.

"Hindi naman kalakihan. Sakto lang para sa pang-araw araw. Ikaw nga diyan ang mapera eh. Diba naibida mo sa akin na halos mag isang taon ka ng walang trabaho pero panay ang travel mo. Ikaw siguro ang mayaman." Komento ko.

"Hindi sa mapera, siguro madiskarte lang. Kasi yung kinikita ko ngayon sa raket ko, hindi ko kinita yun sa tagal kong nagtatrabaho sa company na pinag resign-an ko." Paliwanag niya.

"Raket? Anu namang raket yan? Naku baka naman drug pusher ka ah." Paghihinala ko.

"Uy hinda ah. Legal to. Wala akong inaagrabiyado. Gusto mo ba malaman kung paano ako kumikita ng pera?" Kinindatan niya ko.

Halaaaaa. Parang imbes na kiligin, kumulo tiyan ko.

"Sige." Pagpayag ko.

"Tutal hindi ka naman gipit sa pera. Baka gusto mong sumama sa raket ko. Close naman na din tayo kaya yayayain na din kita. Simple lang to, magbigay ka sakin ng 2,500 pesos." Inumpisahan niya ang pagpapaliwanag.

"2,500?"

"Oo. Sa loob ng 15 days, magiging 12,500 na yun. Ganun lang kadali, tapos sobrang bilis pa, di ba?"

"From 2,500 magiging 12,500? Ang laki naman nun. Tsaka 15 days lang? Paano naman mangyayari yun?" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

"Ganito kasi yan. Ikaw ang magiging downline ko. Nasa level 1 ka. Pag nagbigay ka ng 2500, kailangan may ma-recruit ka na dalawa para mapunta ka sa level 2. Tapos magrerecruit din sila hanggang umangat ka ng umangat, at makarating sa level 5. Pag nasa level 5 ka na. Pwede ka ng um-exit. Nakarami ka na ng 12,500 wala pang kung anung-anung bawas. Oh anu? Meron ka bang 2,500 diyan?"

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon