MAYMAY'S POV
Dumating kami sa bahay na tinutuluyan ni Kuya Nikko.
“Ready na ba yung mga isusuot nila?” Tanung ni Kuya Nikko sa mga kasamahan niya.
Ipinakita nila sa amin ni Edward ang mga damit na inihanda nila.
“Kuya Nikko, bakit po puro pambahay yung mga damit?” Usisa ko.
“Ay, nakalimutan ko nga pala sa inyo sabihin na ang unang scene natin ay gigisingin ka ni Edward. Ipapakita natin sa scene na ito yung tipo ng pagkakaibigan na meron kayo. Yung friendship na wala talagang ilangan, yung ultimo hanggang sa kwarto mo nakakapasok siya.” Paliwanag ni Kuya Nikko.
“Narinig mo Edward?”
“Yah. Loud and clear.” Sagot niya sa akin.
“Osige, magpalit na kayo. Andun yung banyo sa gawing kanan.” Turo ni Kuya Nikko.
Kinuha ni Edward yung mga damit namin at dumiretso na kami sa banyo.
“Sige, mauna ka na.” sabi ko.
“No. You go first. Maghihintay ako.” Tanggi niya.
Bakit parang may laman ang sinasabi niya?
“Ah sige. Amin na yung mga damit ko.”
Habang nagbibihis ako, napaisip ako na parang may kakaiba kay Edward ngayon. Hindi ko lang matumbok kung ano.
“Tapos na ‘ko. Ikaw naman.” Sabay kalabit ko sa kaniya.
Tiningnan niya ko ng maigi.
Nahalata ko na parang pinipigil niya yung tawa niya.
“Anung nakakatawa?” hinampas ko siya.
“You look so cute on those pajamas.”
Bago ko pa siya mahampas ulit nakapasok na siya ng banyo.
Nakakaasar talaga yung noo na yun. Alam ko naman na hindi papuri yung sinabi niya, pamwisit talaga.
Pagkabihis niya ay dumiretso na kami sa kwarto kung saan kukuhanan ang unang scene.
“Bale, nakahiga ka Maymay, medyo gawin mong awkward yung pose. Yung tipong parang sobrang feel at home mo. Tapos ikaw naman Edward, gigisingin mo si Maymay. Hihilahin mo siya hanggang sa malapit na siyang malaglag sa kama.” Instruct ni Kuya Nikko.
Nahiga na ako sa kama. Ginulo gulo ko ng bahagya ang buhok ko.
“4,3,2… Action!” hudyat ni Kuya Nikko.
Pumikit na ko at ibinuka ko pa ng bahagya ang bibig ko para mas epektib.
Narinig ko na binuksan ni Edward ang pinto ng kwarto.
Nagtulug-tulugan pa ako lalo.
Kaso parang bakit ang tagal naman bago niya ko gisingin?
“Cut!”
Napadilat ako, nasa gilid ng kama si Edward.
Malapit ang mukha niya sa akin, at tinititigan niya ko.
Nung makita niyang nakadilat na ko. Napaatras siya.
“Edward, masyado kang matagal nakatitig kay Maymay. Pagpasok mo gisingin mo na siya agad. Yung tipong may pupuntahan kayo kaya nagmamadali ka. Parang tutuka pa eh.” Singit ni Kuya Nikko.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆