Chapter 60

1.7K 129 57
                                    

"Yong sorry, di kita masasamahan sa pagbebenta ng ticket ngayon. Bahala ka na muna diyan ha. Alam mo naman, ngayon na yung event." Paliwanag ko kay Yong sa tawag.

Abalang abala ako sa paghahanda ng mga damit na dadalhin.

"Okay lang Ate May. Sinabi ko na rin naman kay Kuya Luis. Baka siya muna ang sumama sa akin bai." Sagot ni Yong.

"Buti naman. Yaan mo malapit naman na tayo makaipon ng sapat na pondo." Pahayag ko.

"Oo Ate May. Wag mo na kami alalahanin dito bai. Baka malate ka pa."

"Sige. Bye Yong." Paalam ko.

"Ingat Ate May." Bilin niya.

Ibinaba ko na ang cellphone ko at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko.

😥

"Maymay. Get your hair ready. Nandiyan yung ibang models. I need to greet the guests, okay?" Sabi ni Ate Jinri.

"Sige po Ate Jinri." Tumango ako.

"Oh. By the way. Wear this necklace. Para hindi masyadong plain. Accessories will complement your look." Iniabot ni Ate Jinri sa akin ang isang necklace na may heart shape  na locket.

Tinanggap ko naman at pinagmasdan kong mabuti.

Ang ganda. Mukhang mamahalin.

Isinuot ko at humarap ako sa salamin.

Bumagay sa'kin. Tama nga si Ate Jinri.

"Ma'am ayusin ko na po yung buhok niyo." Sabi ng stylist.

Naupo ako.

Bago pa kami ayusan ay ipinasuot na sa amin ang mga shirts na may design tungkol sa dogs.

First time ko sa mga ganitong event. Tinanung ko naman kung anung gagawin namin pero ang sabi rarampa lang daw.

Keri na basta makaipon lang ng pera para sa film festival.

Habang inaayos ang buhok ko. Nagpagala gala ang mata ko.

"Nasa kabilang room po yung mga boys." Biglang sabi nung stylist.

"Po?" Tanung ko.

"Parang may hinahanap po kasi kayo." Sagot niya.

"Ah. Wala po." Sagot ko.

"Wag na po kayo magkaila." Pilit niya.

Hindi ko siya kinakaya, mind reader ba siya?

"Hindi po talaga." Pilit ko din.

"Kanina po kasi may tisoy na sumilip dito sa room at mukhang may hinahanap din po siya." Kwento niya.

Tisoy?

Hindi kaya...

"Makapal po ba yung kilay? Tapos malaki po yung noo? Matangos po yung ilong?" Sunod sunod kong tanung.

"Batay po sa description niyo. Mukhang siya nga po yung tinutukoy niyo."

Pinipigil nung stylist tumawa.

Bakit naman kaya sumilip si Edward dito? Sinong hinahanap niya?

"Boyfriend niyo po?" Mapang-intriga niyang tanong.

"Hindi po ah." Medyo napalakas ang boses ko.

"Ay hindi po halata na nagsisinungaling kayo." Sarcastic niyang sagot.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon