Chapter 20.9

1.7K 117 41
                                    

YONG'S POV

Nagtatakbo na ko para mahabol ko si Edward.

Hustisya bai. Naubos ang lakas ko kanina sa digmaan sa banyo.

Dahil nahuli ako sa pagtakbo nasilip ko na tumayo na silang apat mula sa kinauupuan nila.

"Edward! Edward!" Tawag ko sa kaniya

Hindi niya ko naririnig. Patuloy lang siya sa pagtakbo.

Mukhang may pupuntahan sila Ate May. Saan naman kaya?

Alam ko na. Tatawagan ko si Kisses.

Binagalan ko muna para makapag-dial ako.

Nagriring lang. Kisses sagutin mo.

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo.

"Kisses. Hello." Sa wakas sumagot din.

"Yong magtxt ka na lang. Maririnig tayo ni Ate May." Pabulong niyang sagot sa kabilang linya.

"Teka bai. Kisses. Kisses. Hello? Kisses?" Pinagbabaan na ko.

Maitxt na nga lang siya.

Napahinto si Edward sa pagtakbo.

"Bai bakit ka huminto?" Tanung ko habang humihingal hingal pa.

"They were no longer upstairs." Sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

"Paktay na bai. Saan kaya sila nagpunta?" Kinapa ko ang cellphone ko.

Nagreply si Kisses.

"Papunta kaming auditorium. Nag-aya sila. Ipapakita daw nila sa akin."

Buti na lang nakasagot siya agad.

"Papunta silang auditorium." Pagbibigay-alam ko kay Edward.

"How did you know?" Tanung niya.

"Di kasi ko mapride. Lika na nga." Aya ko sa kaniya.

Tinxt ko na lang si Kisses para magpasalamat. Ako ng bahala sa mga susunod na plano. Maganda yung wala din siyang alam.

"Lakad na lang muna tayo bai. Pagod na ko."

"We may not be able to catch them." Pag-aalala niya.

"Bai pwede ba. Ilang araw nga ang sinayang mo sa pagdadrama, tapos ngayon ilang minuto lang hinayang na hinayang ka."

Hindi siya kumibo at hindi na lang ako pinansin.

Nasa kabilang building pa kasi ang auditorium. Kaya medyo matagal talaga kung lalakarin.

"Bai papasa ngang load. May itetext lang ako."

Itatanung ko kasi kay Kisses kung magtatagal sila dun.

"We're in a hurry. Do that later." Tugon niya.

"Ngayon na. Sige ka hindi ko sasabihin sa'yo kung nasan si Ate May." Pananakot ko.

"Fine." Hinugot niya ang cellphone niya sa bulsa.

Kasabay nito ay may mga nalaglag mula sa bulsa niya.

Picture? At hindi lang isa kung hindi marami.

Nagulat si Edward.

Parang ayaw niyang ipakita sa akin ang mga nalaglag.

Tinulungan ko siyang mamulot.

Kitang kita ko na itinataob niya ang mga litrato para hindi ko makita.

Nakadampot ako ng dalawa.

"Give that to me." Madiin niyang utos.

Hindi ko siya sinunod. Imbes ay tiningnan ko ang litrato.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon