Chapter 43

1.7K 132 82
                                    

"Oh nasaan na yung jacket ko?" Tanung ko kay Edward.

Kanina ko pa kasi siya hinihintay. Sabi niya bababa lang daw siya para kunin ang mga merchandise namin.

"Your jacket?" Ulit niya.

"Oo. Di ba sabi mo, kukunin mo na din yung sa akin para di na ko bumaba."

Hindi naman ata kinuha. Itong noo talaga na 'to.

Dahan dahan siyang tumalikod sa akin.

Pagtingin ko sa likuran ng jacket na suot niya, may nakatatak na ENTRATA.

"Oh. Bakit mo suot yan?" Usisa ko.

"I prefer this color. You better wear this."

Ibinato niya sa akin ang isang plastic.

Binuksan ko. May blue jacket yun na laman.

Ibinukadkad ko sa ere. Pagtingin ko sa likuran BARBER ang nakalagay.

"Sa'yo to eh. Amin na yang sakin." Pangungulit ko habang hinuhubad ko sa kanya ang jacket.

"No. Wear that. Napamahal na sa'kin tong jacket mo." Pilit niya.

"Aish. Hindi pwede ah. Ibigay mo na sa akin yan." Nakikipag-agawan ako sa kaniya.

Mas gusto daw kasi niya yung pula.

"No. No. No. The activity will start in 5 minutes. We better hurry down."

Bushak naman oh. Maipilit niya.

Sige na nga, ito na lang isusuot ko.

Gumayak na ako at sabay na kaming bumaba papuntang hall kung saan kami mag-aactivity.

Naupo muna kami kasi wala pa daw yung facilitator ng group namin.

Kinalabit ako ni Edward.

"That jacket looks good on you." Ngumiti ngiti pa siya nang nakakaloko.

Nginusuan ko siya at tinulak sa noo.

"Good morning guys." Bati ng facilitator.

"Good morning po." Sagot namin at ng iba pa naming kagroup.

"Mukhang ready na lahat. Kaya let's start your first activity for the day. Are you guys ready?" Energetic na tanung ni Faci.

"Yes po." Tugon namin.

"You guys are going on a photo scavenger hunt. First, find a partner."

Inakbayan ako bigla ni Edward at tinanguan.

Parang sinasabi niya na wala akong kawala.

"Each of you will be given a list of tasks that you should perform within an hour. When the time is up. You should come back here and for every minute you are late. 10 points will be deducted from your total score." Paliwanag ni Faci.

Isa isa na niyang inabot sa bawat pair ang mga photo task.

"You will be judged base sa kung paano niyo naiportray sa picture ang nirerequire sa task. Let the games begin." Hudyat ni Faci.

Kaagad akong hinatak ni Edward palabas ng hall.

"Hoy teka naman. Kumalma ka." Sabi ko sa kaniya.

"We need to strategize."

"Oh eh teka. Dun tayo para di tayo marinig ng iba."

Pumunta kami sa gilid ng hall.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon