"Palakpakan niyo ang mga sarili niyo. Everyone did a great job." Announce ni Direk.
Natapos na ang lahat magperform.
Pinaupo kami ni Direk para pakinggan ang mga karagdagan pa niyang sasabihin.
"Nakakapagod din pala nuh." Sabi ko kay Edward na ngayon ay katabi ko at focus na focus sa sinasabi ni Direk.
"What's most tiring is performing and thinking of what to do next. Like what we did."
"Nandito na ba lahat ng members?" Tanung ni Direk.
"Yes po." Sagot namin.
"I'm quite impressed guys. Your performances are outstanding, taking into consideration na ngayon lang kayo nagkatrabaho. I would like to congratulate the new members, bago pa lang kayo pero mukhang hasang hasa na kayo. Palakpakan natin sila."
Humarap sakin si Edward tsaka niya ako pinalakpakan.
"Congrats Maymay." Bati niya sa akin.
Pagkasabi ni Edward ng pangalan ko, nalito ako kung anung spelling nung Maymay. Yung ganun ba sa text niya o yung totoong spelling.
"Salamat." Tugon ko.
"Alam kong malaki ang naitulong ng old members para maging comfortable ang mga partners nila. Kaya naman. Palakpakan din natin sila."
Ako naman ang humarap kay Edward at pinalakpakan ko din siya.
Ngumiti siya, yung ngiti na kasama pati noo. Hahahah
"Maikling oras lang ang naibigay sa inyo para paghandaan ang performance niyo pero nakita ko na nag effort talaga kayo at pinag-isipan niyong mabuti ang mga script ninyo. Kaya proud ako sa inyo dahil sa pinakita niyo sa akin. Alam kong may natutunan kayo sa mga workshop natin, natutuwa ako na malaman na isinapuso niyo ang mga iyon. Siyempre nandito ako para i-announce kung sino ang pair na may best performance."
Hinawakan ni Edward ang kamay ko. Napakalamig ng kamay niya.
"It's my first time feeling nervous again." Bulong niya sa akin.
Kahit ako man kinakabahan. Okay lang naman sa akin na hindi kami ang manalo. Pero siyempre masaya pa ring umasa.
"Best performance goes to..... Edward and Maymay!"
Halos magtatalon kami ni Edward sa kinauupuan namin sa sobrang saya.
Nagpapalakpakan ang buong drama club.
Grabe hindi ako makapaniwala.
"Panaginip ba to?" Tanung ko kay Edward.
Piniga pa niya yung pisngi ko para patunayan sakin na gising talaga ko.
Hindi ko mapigiling mapatulala, hindi ko talaga inaasahan.
"Edward, Maymay, come up on stage." Utos ni Direk.
"Let's go." Aya ni Edward.
Bushak. Sobrang saya ko talaga. Hindi sumagi sa isip ko na mapipili kami. Pero eto kami, kahit di masyadong nakapaghanda ayos pa rin.
Nakaakyat na kami sa stage, hindi matapos tapos ang palakpakan.
"Oh. Holding hands pa kayo ah. Nagpeperform pa din ba kayo?" Puna ni direk.
Nahiya kami ni Edward kaya naman nagbitaw kami agad. Tinukso kami ng ibang members.
"Ayan nahiya po tuloy sila. Let's take time to discuss their performance, para makita natin ang ilang key points. So, sa palagay niyo bakit sila ang nanalo?" Tanung ni direk.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfic[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆