Chapter 2

3K 127 38
                                    

"Ate May asan ka na?" Tanung ni Kisses habang katawagan niya ako.

"Eto na baby girl. Medyo madami kasi akong dala."

Nakiusap kasi ako kay Kisses na kung pwede makitira muna ako sa kanila habang bakasyon. Gastos kasi sa pamasahe kapag nag uwian ako sa probinsya. Bukas na mag start ang audition ng drama club kaya halos hindi din ako makakapagbakasyon.

"Sige sige Ate May. Hintayin na lang kita sa kanto. See you. Muah." Paalam niya.

😊

"Baby girl ano na? Anu sabi nung mga kachat mo?"

"Nako ate May. Ang sabi nila. 2 stages daw ang pag audition sa drama club. Bale sa una daw halos 1/4 lang daw ng nag audition ang ititira. Walang nakakalam kung anung gagawin sa first stage kahit mga members ng drama club. Pero ang sabi. Ang magiging judge daw yung Direk, yung Adviser ng Club at yung nanalong Best Actor last Film Festival."

"Paktay na bai. Kinabahan naman ako agad diyan sa balita mo baby girl. Anung gagawin ko? Tutuloy pa ba ko Kisses?" Tanung ko ng may pag aalinlangan.

"Si Ate May naman. Wala pang inuurungang laban ang isang Marydale Entrata. You go girl." Nag appear kaming dalawa pero yung kaba ko iba na talaga.

😐

Sa araw ng audition...

"Anu okay na ba itsura ko?" Tanung ko kay Kisses. Nasa harapan kami ng auditorium kung saan gaganapin ang audition.

"Okay na okay Ate May." Sabay thumbs up ni baby girl.

"Anu sa palagay mo? Makakapasa ba ko?" Hindi ko maitago ang kaba ko.

"Let's hope for the best Ate May." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you talaga baby girl ah. Sa pagpapatuloy sa akin sa bahay niyo. Sa pagsuporta sakin dito sa pag audition. Tsaka for being there for me all the time." Bumitaw na ako sa yakap namin at nakita ko na nakangiti siya.

"Ate May. Basta ikaw. Punta muna ko sa students' lounge. Tawagan mo ko pag tapos ka na. Fighting Ate May!"

"Bye! Bye!" Kaway ko sa kaniya.

😕

Halos nasa isang daan ang nakapila para mag audition. Unang araw palang ito pero mukhang dinumog talaga sila.

Number 54 pa ako at mukhang matagal tagal pang hintayan ito.

Marami rami na rin ang natapos at yung iba lumalabas na umiiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa saya o lungkot. Yung iba naman blangko lang yung mukha, mga nakatulala. Naririnig ko na talaga yung tibok ng puso ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"Number 54! 54? Next na po ang 54."

"Ay ako po yun. Ako po." Sagot ko.

"Sige miss stand by ka lang diyan. Ikaw na next." Nasilip ko sa may pintuan na palabas na yung nauna sa akin.

Pumasok na ako at pumwesto sa harapan ng judges. Lord, kaya ko to. Kakayanin ko para sa pag-aaral ko.

"Your name?" Tanung ng isang lalaking nakasalamin. Medyo may edad na siya. Siya yata yung adviser.

"Marydale Entrata po sir." Ngumiti ako na may kasamang kaba.

"Okay. Ms. Marydale. Listen to me." Instruct sa akin ng isang babae na nasa pinakagitna ng mga judges. Siya naman yata yung direktor.

"Yes po mam." Ayon ko.

"On your right. May fish bowl na punong puno ng mga papel na may nakasulat na iba't ibang salita. You have to pick one. And you have to say that word using different emotions."

Tumango tango ako habang pinag iisipan ko na kung pano ko ito gagawin.

Nilapitan ako ng isa sa member ng drama club at pinabunot ako ng salita.

"BARBERO" ang salitang nabunot ko.

"What's your word?" Tanung nung direktor.

"BARBERO po ma'am."

Napansin ko na medyo tumawa ng mahina yung direktor at kinalabit ang katabi niyang binata. Baka siya yung sinasabi na nanalong Best Actor.

"Okay! Ready? Action!" Hudyat ng direktor.

"Barbero. Haha. Barbero." Ngumiti ako ng todo todo at nag iisip ng masasayang bagay. Happiness kasi ang unang emotion na kailangan kong gawin.

"Barbero. Huhu. Barbero." Pinilit kong tumulo ang luha sa mata ko para maipakita ang sadness.

"Barbero? Barbero?" Napasaldak ako sa sahig at umaktong takot na takot.

Maraming emotion pa ang pinagawa nila sa akin at sinubukan kong gawin ang mga iyon.

"Okay. That's enough. What can you say about her?" Tanung ng direktor sa adviser.

"Have you had any experience in acting Ms. Marydale?" Usisa ng adviser.

"Wala po sir." Sagot ko. Hala first time ko naman kasi talaga ito.

"Alam mo hija. Nung sabihin ko kanina na you have to portray fear. Hindi ko nakita ang takot. Sa halip mukha kang baliw sa mental. You made me laugh. Ikaw Edward? Anu sa palagay mo?" Shocks! Paktay na talaga bai. Parang negative comment ata yun.

"She's not serious about this audition, I think. Parang naglalaro lang siya. She's being playful when she needs to be still." Diretsong niyang sabi.

Teka lang ah. Kahit english yun. Naintindihan ko yun. Grabe naman tong lalaki na to. Hindi daw ako seryoso. Eh para nga sa pag-aaral ko to. Bakit hindi ko to seseryosohin? Kala mo kung sinong magaling. Gwapo lang naman siya. Baka nga mamaya nanalo lang siyang Best Actor dahil sa mukha niya. Tsk. Ugali niya, attitude.

"We'll be posting the results in a week. Pakihintay na lang. Thank you." Sabi ng adviser.

Lumabas na ko habang nagdidilim ang paningin ko. Yabang niya. Kung siya lang naman ang makakasama ko sa drama club. Wag na noh.

Kaso pano ang pag-aaral ko? Huhuhu. Lord.

"Ate Maaaaayyyyyyy!" Nilapitan ako agad ni Kisses.

"Oh kumusta audition?" Tanung niya.

"Hindi ata ako papasa baby girl. Lahat ng comment nila sa akin negative." Malungkot akong sumagot sa kaniya.

"Malay mo naman Ate May. Bakit anu bang sabi nila?" Usisa niya.

"Marami eh. Pero ang hindi ko talaga matanggap eh yung sinabi nung Best Actor na yun." Ayan naaalala ko na naman. Bwiset.

"Bakit?"

"Sabi niya di daw ako seryoso sa audition....

"Ate May...

"Tapos inenglish english pa ko ni koya. She's not serious about this audition, I think. Parang naglalaro lang siya. She's being playful when she needs to be still." Panggagaya ko sa tono niya.

"Ate May...

"Makinig ka sakin baby girl. Alam mo ba kung tumingin pa yung lalaki na yun parang sinasabi ng mata niya na sino ba ako para mag audition."

"Ate May...

"Di pa ko tapos Kisses. Akala ba niya kung sino siyang magaling para maliitin ako. Wala siyang karapatan noh. Napakarami na ba niyang napatunayan?"

"Ate May." May tinuturo si Kisses sa likod ko.

"Ano ba yung tinuturo mo?"

Pagtingin ko sa likod ko. Nakita ko na naglalakad yung Edward.

OMG! OMG talaga! Shocks narinig niya ba ko? Paktay na talaga.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon