"Umuwi ka na Ate May. May pictorial pa kayo bukas di ba?" Pagkukumpirma ni Yong.
"Sigurado ka?"
"Oo. Sanay naman ako umuwi ng gabi eh. Kayang kaya ko yan." Tugon niya.
"Sige. Tatapusin ko lang bilangin yung nacollect natin mula sa mga nanood."
Alas siete na din kasi. Mag-aayos pa ako ng mga dala para bukas.
Buti na lang talaga maaasahan si Yong.
"Yong nakita mo ba yung bag ko?"
"Nilagay mo sa table sa gilid ng stage kanina bai." Sagot niya.
"Ah sige. Thanks."
Pumunta ako kung saan niya sinabing nakita niya na nilagay ko ang bag ko.
Nandoon nga. May katabing bote ng fresh milk.
Kanino kaya to?
"Yong sa'yo ba tong gatas? Baka maiwan to dito." Iniangat ko sa ere para makita niya, may kalayuan kasi siya sa kinatatayuan ko.
"Hindi sa'kin yan." Tanggi niya.
"Huh? Eh kanino 'to?" Pagtataka ko.
Nang iikot ko ang bote, may nakita akong maliit na green sticky note.
Nilapitan ako ni Yong para tingnan ang bote.
"Oh ayan pala may nakasulat." Puna niya.
"Drink this before going to bed." Basa ko sa nakasulat.
"Baka sa'yo yan Ate May. Sino naman ang magpapadala sa akin ng gatas tapos may pasulat pang nalalaman? Kung sa akin yan, champorado malamang hindi gatas bai."
"Sabagay. Pero hindi din naman sinabing sa akin. Baka naiwan ng isa sa mga nanuod." Kuro kuro ko.
"Hindi eh. Malakas ang pakiramdam ko na para sa iyo talaga yan." Pangungumbinsi ni Yong.
"Malay ko ba kung may lason yan. Itapon na lang natin."
"Wag. Sayang eh." Pinigilan ako ni Yong bago ako makarating sa trash can.
"Hindi nga natin sigurado kung kanino to."
"Ganito na lang. Humingi tayo ng sign bai." Suggestion ni Yong.
"Iba ka din eh nuh. Sa pagod natin sa maghapon naisip mo pa talaga yan."
"Wag ka na kumontra Ate May. Basta ganito. Kung sino man ang magsabi sa'yo na 'may gatas ka pa sa labi' ibig sabihin siya ang nagbigay niyan." Paliwanag niya.
"Alam mo. Uuwi na ko Yong. Pagod lang yan. Mauna na ko sa'yo ha. Ingat ka sa pag uwi. Wag kang magpupuyat at kung ano anong naiisip mo." Paalam ko.
Naglakad na ako palabas ng audi.
Ipinasok ko sa loob ng bag ko yung gatas at dumiretso na ako pauwi.
😴
"Oh Maymay you're here. How about Edward?" Tanung ni Ate Jinri.
"Ah. Papunta na siguro ate. Pinatext ko na kanina pa. Baka natraffic lang." Sagot ko.
Hindi ko kasi kayang magtext o magcall sa kaniya kaya pinakiusap ko na lang kay Yong na siya ang magsabi, pumayag naman.
"Siguro? Kelan ka pa hindi naging sure kung nasaan si Edward? You two are inseparable." Pahayag ni Ate Jinri.
"Ah. Haha. Wala po kasi akong load." Palusot ko.
"I'll talk to the photographer muna ha. They'll do your hair and make up." Itinuro niya ang mga babae sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆