Chapter 20.5

1.7K 135 65
                                        

YONG'S POV

Tumayo siya, nasipa niya ang kinauupuan niya dahilan para tumunog ang upuan at napatingin sa kaniya sila Ate May.

Nagtama ang mga tingin nila.

Umiwas siya ng tingin.

Tumakbo siya palabas ng canteen.

"Bai teka!" Pinigilan ko siya.

Sumunod ako sa kaniya.

"You can go back. Finish your food." Sabi niya.

Masama ang tingin niya sa paligid.

"Eh bakit ka biglang lumabas? May pa I can't take this ka pang nalalaman bai?"

"I just need some air."

Ako din. Parang I need to release naman some air. Huhuhu.

Kitang kita ko sa kaniya na parang hindi siya mapakali.

Wahhhhhhhhhh. Parang I can't take this na din. Paktay na bai, parang may lalabas na sa akin.

Tiningnan ko kung nakaupo pa sila Ate May.

Mukhang matagal pa sila bago matapos kumain.

Hinawakan ko ang bandang pwetan ko. Baka may kung anong mag voluntary exit dito, delikado.

"I'm going to pee. I'll go to the quarters' comfort room."

"Waggggggg!" Napasigaw ako.

"What's wrong with you?" Nagtataka niyang tanong.

"Dito ka muna. Magsi-cr din kasi ako bai."

Di siya pwede umalis. Kailangan niyang mag stay dito, baka pag nagtagal siya dito maisipan na niyang kausapin si Ate May.

"There are plenty of comfort rooms in our campus Yong. You can go to other CRs."

Naglakad siya.

Pano ba to? Sayang naman ang pagkakataon.

Sinundan ko siya kahit na ayokong umalis sa kinalalagyan ko. Parang konting galaw na lang kasi manganganak na ko.

"Dun ka lang bai. Bantayan mo si Ate May. Ay este bantayan mo yung champorado. Hindi ako pwedeng sa iba mag-CR. Baka mahuli sa camera 'tong ilalabas ko."

Kakadaldal ko nakalayo na pala siya.

"I can't hear you." Sabi ni Edward.

Wala na. Nasayang effort ko. Bwisit naman kasing tiyan to eh. Panira.

Gusto ko talaga tumakbo pero baka matagtag 'to.

Inunahan ako ni Edward papuntang comfort room ng quarters.

"Bai ako muna!" Kinatok ko ang pinto.

"2 minutes. I'll just pee." Sagot niya habang nasa loob ng banyo.

"I can't take this na din bai. Lumabas ka na jan." Kinatok ko ng kinatok ang pinto nang walang lubay.

Wuhooooooo.

Wahaaaaaaa.

Sumisipa na yung bata. Huhu. Paktay na bai.

Kuya 2 points po para kay Edward kasi po hindi niya ko pinauna sa banyo.

Binuksan niya ang pinto.

"Are you going to destroy the door?" Tanung niya sa'kin paglabas niya.

"Ang tagal mo eh. Bili kang sabon bai, yung pride ang tatak ha." Pinagsarhan ko siya ng pinto.

Akala ko umaayon sa akin ang lahat. Malamang lumipat na sila Kisses ng pwesto kasi baka makahalata si Ate May.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon