Chapter 23

2K 129 59
                                    

"Wow Ate May. Ang pretty mo." Nagthumbs up siya sa akin.

"Salamat Kisses."

"Bakit bihis na bihis ka pala?" Tanung niya.

"Ngayon yung sinasabi ko sa'yo na New Members Recognition Ceremony." Pagpapa-alala ko sa kaniya.

"Ah. Oo nga pala. Tapos na yung workshops niyo."

"Oo. Iwewelcome na daw kami formally."

"Parang ngayon ko lang nakita yang dress mo na yan Ate May. Bago ba yan?" Puna niya sa suot ko.

"Ah oo. Bigay ni Edward." Nahihiya kong sagot.

"Nakuuuuu. May hindi ka sinasabi sa'kin Ate May." Pang-aasar niya.

"Wala ah. Ayan ka na naman baby girl." Tanggi ko.

"Eh bakit may pabigay-bigay ng dress?" Pangungulit niya.

"Sinamahan ko kasi siya bumili ng damit last week. Kaya ayun. Nung nakita niya, sabi niya bagay daw sakin, bibilin daw niya para sa'kin." Paliwanag ko.

"Yun lang ba talaga?"

"Oo nga. Alis na ko ah. Baka maaga mag-start. Bye." Naghug kami at nagpaalam na ko sa kaniya.

Saktong sakto tong pagkakabili ni Edward sa damit. Kung hindi wala talaga kong nakahandang isuot para sa ceremony.

Pagdating ko sa school nakasabay ko pumasok ng gate si Kuya Luis.

"Wow Maymay. Ang ganda natin ah." Bati niya sa akin.

"Salamat Kuya. Kayo din po, bagay sa'yo yung maroon na polo." Puri ko sa kaniya.

"Niloloko mo naman ako eh." Tinawanan niya ako pagkasabi niya nun.

"Hindi kuya. Seryoso ko." Sabi ko.

"Brooooo!" Tawag ni Kuya Luis kay Kuya Tanner na kabababa lang ng sasakyan niya.

Nakapolo siya ng puti.

Mukhang pinaghandaan nila 'to ah.

Buti pala may ganito akong damit. Kung hindi baka nagmukha akong katulong nila.

Pumunta sa gawi namin si Kuya Tanner.

Nag-bro fist sila.

"Hi there Maymay. I didn't recognized you at first. You're magan-duh." Sabi ni Kuya Tanner.

Natawa kami ni Kuya Luis sa magan-duh.

Sinabi niya kahit hirap na hirap siya.

"Tara na po sa audi." Aya ko sa kanilang dalawa.

Sumunod sila sa akin.

Nagpaalam muna ako sa kanila na mag-cr lang ako, at mauna na silang pumasok sa loob.

Pagkalabas ko sa cr, nakita ko si Yong.

"Yong!" Tawag ko.

"Ate Mayyyyyyyy!" Tumakbo siya palapit sa akin at nakipag-apir.

"Kung maka-ate May ka naman parang isang taon tayong di nagkita."

"Last week pa kaya tayo di nagkita bai. Tapos kayo pa ni Edward lagi magkasama. Unfair kayo bai." Sumimangot siya.

"May pa unfair unfair ka pa diyan. Porket naka necktie ka." Hinatak ko yung necktie sa leeg niya.

"Aray aray. Ikaw nga bai nakadress pa. Nagpapaganda ka kay Edward nuh?"

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon