Chapter 6

2.3K 158 105
                                    

"Nakakahiya ako. Huhuhu. Nakakahiya talaga ako." Paulit ulit kong sabi.

"Ate May, anu ka ba? Isang linggo mo nang sinasabing nakakahiya ka." Puna ni Kisses habang naglilipat ng channel sa tv.

"Baby Girl nakakahiya naman talaga kasi ako. Sobra. Pwede na ko magpakain sa lupa." Huhuhuhuhu. Ayoko na.

"Yung totoo Ate May. San ka ba nahihiya? Dun sa inabot mo yung kamay mo sa kanya o dun sa tinangay mo yung ballpen?" Tanung niya.

"Both?" Huhuhuhuhuhuhuhu. Nakakahiya ka talaga Marydale.

"Normal lang naman yung sa ballpen Ate May. Diba nga ako din naman, minsan natatangay ko yung mga gamit mo?"

"Eh baby girl. Close naman tayo. Eh kami ni Edward? Iniiwasan ko nga siya diba?" Bakit ba kasi wala ako sa sarili eh.

"Naku Ate May. Tama na ang pag iisip ng kung anu-ano. Gumayak ka na. Kasi diba mamaya na yung start ng workshop niyo?" Pagpapa alala ni Kisses.

"Ayoko na ata tumuloy." Nalulungkot kong sabi.

"Ay hindi Ate May. Para sa pag aaral mo to kaya go. Dali dali dali!" Tinulak na niya ko papuntang bathroom.

😧

"Good afternoon actors!" Bati ni direk.

"Good afternoon Direk!" Tugon namin.

Ginala-gala kong mata ko. Mukhang wala dito ang old members. Puro yung mga bagong pasa lang ang nandito sa auditorium.

"Kung nagtataka kayo kung bakit wala yung old members. May sarili silang workshop." Sabi ni direk.

Yung totoo direk. Nababasa niyo po ba isip ko?

"Ay sayang naman. Akala ko makikita natin si Edward." Bulong ni Ate na nasa likuran ko.

"Oo nga. Nagpaganda pa man din ako ng todo." Sang-ayon nung kasama niya.

Ay iba din. Mabenta pala sa kanila ang malapad na noo nung Edward na yun.

"Dahil bago pa lang kayo. I'm here to guide you in every step of the way. We'll have basic acting lessons, personality development and other lessons na makakatulong sa inyo para maging magaling na aktor."

Mabuti na rin talagang wala dito yung NOO na yun. Baka di ako makapag focus pag nakita ko siya.

"First, we need to boost your confidence. Walang sumikat na mahiyain. Tandaan niyo yan."

Direk pano po ako? Hindi po ako mahiyain pero nakakahiya po ako. Huhuhuhuhu. Si direk talaga eh. Magaling tumumbok.

"If you are confident, nakikita yun sa actions niyo. Best example is yung audition niyo for Level Two. I remember we took videos of that. Let me show you guys." Naghanap si direk sa laptop niya.

Direk wag niyo lang po talagang ipeplay yung acting-an namin ni Edward. Makikita ko na naman pong noo niya.

"Let's look at Marydale's video."

Direk nakakarami na po kayo. May galit po ba kayo sa akin?

Finast forward niya papunta dun sa part na sinabi ko yung line ni Liza at napaupo ako kasi iiyak ako. Buti hindi nakafocus kay Edward.

"See? Kung gaano kaconfident si Maymay sa pag-iyak niya. She's confident that she's giving the right emotions. That's why she can affect people." Tiningnan ako ni Direk at ngumiti sa akin.

In fairness Direk ah. Bumawi ka dun. Akala ko talaga may galit ka sakin eh. Wala naman kasi akong pakialam sa ichura ko pag umaarte ako. Basta alam ko lang todo kung todo.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon