YONG'S POV
"Bai! Bai! Bai!" Nagmamadali akong sumugod sa actors' quarters.
"Where have you been? Kanina pa kita hinhintay. We're getting late for class." Taas kilay niyang tanung sa akin.
Hingal na hingal ako dahil sa kakatakbo. Hindi ako makapagsalita.
"Te-teka bai." Tinaas ko ang kamay ko para paghintayin siya.
Hinahabol ko pa kasi ang paghinga ko.
"Why are you panting?" Usisa ni Edward.
"Ka-kasi. Hinga muna ako bai." Sobra talaga ang pagod ko.
Medyo nanginginig din ako.
"Hurry. We don't have enough time." Kinuha na niya ang gamit niya at aktong lalabas na.
"Galing ako sa office ni Direk." Pag-uumpisa ko.
"Then?" Talk fast!" Utos niya sa akin.
"Nagkakagulo sila dun." Kumuha muna ako ng tubig.
"About what? Tell me while we're walking."
"Hindi pwede bai. Kailangan mo ng malaman ngayon." Pigil ko sa kaniya.
"Is that really important?" Naiirita niyang tanung.
"Sabi kasi ng mga officers may nag-email daw sa kanila ng anonymous letter. Tingnan mo nga phone mo. Baka ikaw din may natanggap bai."
"Anonymous letter?" Let me check."
Nilabas niyang cellphone niya.
Gusto ko sanang siya makabasa mismo.
"I haven't received anything. Sabihin mo na nga kasi." Nawawalan na siya ng pasensiya.
"Si Ate May..."
"What's with Maymay?" Hindi niya ako pinatapos.
"Pine-petition nila na mapalitan siya bilang female lead bai."
Naibagsak ni Edward ang mga gamit niya.
"What? This is absurd. What are they trying to do?" Gigil niyang sabi.
"Hindi ko din alam. Iaabot ko lang sana yung inventory report ko ng props nang maabutan kong nagkakagulo sila sa office ni Direk. Bawat officer daw nakareceive ng anonymous letter at yun ang laman. Kaya nandun sila para ipakita yun kay Direk." Paglalahad ko.
"What did Direk say?"
"Hinihintay ka ata niya. Hindi kasi siya makapaniwala na may gagawa nun."
"Whoever did this. Wala silang magawang matino." Sinuntok niya ang pinto.
"Sa palagay mo. Sinong pwedeng gumawa nito bai?" Tanung ko.
"We have almost 200 members. I don't have any idea. All I know is, they are getting unreasonable." Hindi ko maipinta ang mukha niya sa galit.
"Ang nakakapagtaka. Bakit wala kang natanggap na email bai?"
"They all know that I'm friends with Maymay. Kung sa akin lang nila si-nend. They are thinking that I'll just bury the letter and I won't mind it. Kaya they chose to send the letter to the other officers while disregarding me. Para makagalaw sila ng wala akong alam."
"Anung plano mo bai?" Usisa ko.
"Don't tell Maymay a single thing about this. I'll look into the situation. Basta sunduin mo siya mamayang lunch, inform her that there is an emergency meeting after lunch. Okay?" Bilin niya.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆