Chapter 20

1.8K 119 36
                                    

YONG'S POV

"Hello Kisses."

"Hello. Sino 'to?" Tanung niya sa kabilang linya.

"Si Yong to bai. Tatanungin ko lang sana kung kumusta si Ate May." Sagot ko.

"Ay wait. Lalabas lang ako sa garden. Baka marinig niya ako." Bulong niya.

"Sige bai."

"Hello Yong. Ok naman si Ate May. Kaso ayun, pag naaalala niya siyempre nalulungkot na naman." Malungkot niyang balita.

"Kawawa naman si Ate May. Kinausap ko na nga si Edward. Wala pa ring ginagawa. Halos mag isang linggo na yung away nila."

"Hayaan muna siguro natin sila. Baka kailangan lang nila ng time."

"Kaso habang nagtatagal baka lalong lumala ang away nila. Kung pwede sana, may ipapakiusap ako sayo."

"Anu yun Yong?"

"Kung pwede ayain mong pumasok si Ate May. Baka kasi lumakas loob ni Edward kapag nakita niya si Ate May. Baka maisipan na niya makipag-usap."

"Sige sige. Iisip muna ko ng palusot na sasabihin para maaya ko si Ate May. Txt kita pag napapayag ko."

"Sige sige. Salamat bai. Bye." Paalam ko.

"Bye." Paalam din niya.

Ayos. Naiinip na ko sa pagdadrama ni Edward. Baka kailangan lang talaga niyang ipush para matauhan.

Gumayak ako at dumiretso na sa school.

Sana mapapayag ni Kisses si Ate May. Siya na lang pag-asa ko.

Naglakad ako papunta sa quarters ng drama club.

Nakita ko sa labas si Edward.

Ayos. Maaga siya pumasok.

"Edward!" Tawag ko.

Tumingin siya sa akin at tumango lang. Anu pa nga ba? Hindi pa rin siya bumabalik sa dati.

"Bakit ganyan ichura mo bai?" Tanung ko.

"Why? What's wrong?" Tanung niya.

"Magpapogi ka bai. Wag yang ganyang parang puyat na puyat ka." Tinuro ko ang eyebags niya.

"Don't bother. I'm just going to lock myself in the quarters. I don't need to look pleasant."

"Ay basta. Magsuklay ka man lang. May bisita tayo bai. Ay este. Bibisita ka sa props storage room kasi tutulungan mo ko mag-inventory ng props." Palusot ko.

Magpapogi ka bai. Dadating si Ate May.

"Fine. Wait for me there. I'll be there in 5 minutes. You go first." Utos niya.

"Sige bai. Antayin kita." Kumaway ako palayo.

Buti naman pumayag siya.

Nagvibrate ang cellphone ko.

From Kisses:
Yong. Napapayag ko si Ate May. Sabi ko titingnan namin schedule ng subjects.

Nireplyan ko siya.

"Salamat Kisses. Ako na bahala. Basta txt ka pag dito na kayo sa school."

Ayan nagsend na. Mukhang magtatagumpay ako ngayon.

Nagwalis ako sa storage room habang hinihintay si Edward.

"Yong." Walang kasigla-siglang tawag niya.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon