"Konting awa naman bai. Bakit mo ba ko pinapunta dito?" Reklamo ni Yong.
Hindi ko rin alam kung bakit nandito siya sa school ng alas kwatro ng umaga. Eh dapat ako, si Edward at yung driver lang ang nandito.
"We're going to the boot camp. Aren't you going to say goodbye to us?" Tanung ni Edward.
"Bai. Nananaginip pa ako. Pinapunta mo ko dito para lang magbabye sa inyo?" Napapakamot sa ulo si Yong.
"Why not? We're friends." Pang-aasar ni Edward.
"Ate May pigilan mo ko. Pigilan mo ko." Gigil na sabi ni Yong.
"Bakit?" Usisa ko.
"Yang si Edward. Tumawag sa akin ng alas dos ng umaga. Ang sabi sa akin, pinapatawag daw ako ni Direk, pumunta daw ako dito ng alas kwatro ng umaga. Tapos pagdating ko dito. Di naman pala ako tawag. Ang lakas ng trip eh." Paghihinagpis niya.
"Hayaan mo na. Mamimiss ka lang niyan. Kasi ilang araw din kayong di magkikita."
"Nakuu. Buti kung maisip niyan na may naiwan siyang kaibigan dito. Eh kasama ka niya." Pagdududa ni Yong.
"Listen well to our lessons. I'll borrow your notes pagbalik namin." Bilin ni Edward sa kaniya.
"Oo na. Sige na. Umalis na kayo. Para makatulog na ako ulit." Taboy niya sa amin.
"Oo nga. Malayo pa yung pupuntahan namin. Baka malate kami." Sabay tingi ko sa relo ko.
"Please lang, umalis na kayo. Yung mata ko sumusuko na sa antok." Reklamo ni Yong.
"Bye Yong." Niyakap ko siya.
"Oops oops, malelate na tayo." Hinatak ako ni Edward bigla.
"Kung hindi lang ako gising bai. Maiisip ko na nambabakod ka hanggang sa panaginip ko." Sabi ni Yong kay Edward.
"Oh tama na. Baka mag-away pa kayo. Sumakay na tayo Edward." Aya ko sa kaniya.
Sumakay na kami.
Kinawayan namin si Yong sa bintana ng van.
Umalis na din siya agad. Mukhang antok na antok talaga. Kawawang bata napagtripan ni Edward.
Nag-umpisa na ring umandar yung van.
"Where's your jacket?" Tanung ni Edward.
"Ayun." Turo ko sa ibabaw ng bag ko.
Kinuha niya ang jacket ko at isinuot niya sa akin.
"Wear this. It's cold."
"Salamat." Nahihiya kong sabi.
Bahagya akong tumalikod sa kanya.
"I'm sleepy." Usal niya.
Hindi ako kumikibo. Inaantok na rin kasi ako.
Iniisip ko kung anung magandang pwesto para makatulog ako agad.
Naramdaman ko na isinandal niya ang ulo niya sa likuran ko.
"You've got a warm back." Komento niya.
"Ang bigat ng noo mo Edward. Hahaha."
Iniangat niyang ulo niya.
Humarap ako sa kaniya habang tumatawa.
Nagkatitigan kami.
Parehas ba kami ng naiisip?
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆