“Kisses. Huhuhuhuhu. Ayoko na. Di na talaga ako papasa. Huhuhuhu.” Hagulgol ko habang nakayakap kay Kisses.
“Ate May kumalma ka muna. Malay mo naman hindi niya narinig diba?” pangungumbinsi ni Kisses.
“Talaga?” Nagliwanag ang mukha ko. “Sa palagay mo hindi niya narinig lahat ng kagagahang sinabi ko?”
“Baka lang naman Ate May. Baka lang.”
“So baka narinig nga niya talaga.” Nakakahiya talaga ako. Huhuhuhu.
Hindi ko na alam gagawin ko. Bakit ba kasi ang daldal ko?
Edward’s POV
"What can you say about the audition Edward?" Tanung ni direk sa akin.
"Well. Some of them, may potential na. Yung iba sakto lang. Pwede pang turuan. But at this point I think hindi natin afford kumuha ng tuturuan pa. We really need to move fast to beat the deadline." Suggest ko.
"You're right. It's a completely new genre. We never tried it. Pero kaya yan ng Team. Do you have someone in mind na pwede mo ng maging leading lady among the auditonees?"
"Wala pa direk." No one stood out as per my opinion.
"Naaalala mo yung girl na nakabunot ng BARBERO. I think she's good. She's different. What do you think about her?"
"My opinion will not change direk. She's too playful. She's quirky. A lot is going on when you look at her."
"Baka naman kasi kaya ayaw mo sa kanya kasi surname mo yung nabunot niya. I really tried not to laugh at you kanina. Parang tinatawag ka niya habang umaarte siya." Again direk laughed at me.
"No. Of course not. Besides Barber ang surname ko Direk. Hindi barbero." Medyo asar kong sagot sa kaniya. Close kasi kami kaya she always makes fun of me.
"Eh bakit ayaw mo sa kaniya? Alam kong nakita mo din yung star factor na nakita ko sa kaniya." Usisa nya.
"She looks insencere. At parang hindi siya confident with what her doing." Yun kasi ang una kong napansin.
"Hindi mo ba narinig? Sabi niya wala siyang experience sa pag-arte. Kung ganun ang walang experience, ano pa yung magkaroon siya ng experience?"
"We cannot rely on that direk. Paano kung kunin natin siya only to find out na hanggang dun na lang siya?" Kontra ko sa kaniya.
"Alam mong hindi ako nabibigo once I put my hands on someone. You are a living proof." Pagpapa-alala niya sa akin.
Aminado ako. Isa ako sa mga pinagsikapan ni direk na itrain. She always believes in me. Kahit okay lang sa akin ang small roles. Lagi niyang sinasabi na dream for bigger roles. In that way you won't stop working hard.
"Have you seen in her what you've seen in me?" Tanung ko kay direk.
"Yes. She really suits the role. She has the face. She has the personality." Nagniningning ang mata niya habang sinasabi yun. She spotted another raw talent.
"Hindi ba nagmamadali ka masyado direk para ibigay sa kaniya agad ang lead role?"
"No. She will nail this romantic comedy genre."
"Baka nga. Pero after the filmfest direk, what will be her use? May pwede pa ba siyang ibang role na iportray? Baka naman dun lang siya pwede. Nagsasayang lang tayo ng opportunity na pwedeng ibigay sa iba." Kontra ko.
"Alam mo Edward magpahinga ka na. Kanina pa mainit ulo mo. Magpagupit ka na. Punta ka sa BARBERO." Iniwanan niya ako habang tumatawa ng malakas.
Author's Note
Ano sa palagay niyo? Narinig kaya siya ni Edward? Sorry kung maikli lang. Babawi ako sa next chapter kasi medyo intense yun. Hopefully mapost ko agad. Thank you for reading.
😊😙🙆
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆