Chapter 48

1.7K 106 71
                                    

MAYMAY'S POV

"Okay na bang kamay mo Edward?" Tanung ni Direk.

"Yes Direk." Sagot niya.

Nandito kami sa office ni Direk kasama ang iba pang cast ng pelikula.

"Sabihin mo lang sa akin pag nahihirapan kang magsulat. Ako na lang susulat." Alok ko kay Edward.

Ibinenda kasi ang kamay ni Edward para daw mas safe ang sugat niya.

"It's okay. I can handle this." Nginitian niya ako.

Magkatabi kami kaya nakikita ko pinipilit lang niya na hindi humingi ng tulong.

"Okay, before anything else. Gusto kong mag ingat kayo. Magi-start na tayo ng shooting and we cannot afford na isa sa inyo ay magkasakit man o mapano. Hindi madaling maghanap ng kapalit niyo." Bilin ni Direk.

Nagkatinginan kami ni Edward.

Naguiguilty tuloy ako.

"Eat healthy foods. Sa darating na mga araw. Puyat ang makakalaban niyo. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagshu-shoot. I want to remind you guys that you should take care of yourself in the best way you can do." Dagdag ni Direk.

Tumango naman kami.

Mukhang hindi nga talaga biro to.

"Let's start the discussion." Hudyat ni Direk.

Nasa kaliwa ko si Edward at nasa kanan ko naman si Yong.

"Ate May, nilalamig ako. Okay lang ba sayo na iasog ko ng konti sa gawi mo yung electric fan? Magpayakap ka lang ng kay Edward kung malamig." Nginitian niya ko ng nakakaloko.

"Patayin mo na lang." Singit ni Edward.

"Sinong papatayin niyo bai?" Takot na sabi ni Yong.

"Not you, I'm referring to the electric fan." Sagot ni Edward.

"Pa'no ka papatayin niyan, nakikita mo ba yang kamay niya? Kawawa nga si Edward eh." Sabi ko kay Yong.

"Bakit pag may sugat ba siya Ate May, bakod deadctivated ganun?" Tanung ni Yong.

Tumawa pa siya. Si Yong ata ang dapat ihospital.

Tinataasan ni Edward ng kilay si Yong. Hahahaha.

"Listen everybody. I'll tell you the plot of our film. Ex boyfriend ni Maymay si Tanner. They broke up because they can't handle a long distance relationship. Pinili ko si Tanner dahil he needs to portray a Fil-Am guy who resides in the states dahil siya ang nagmamanage ng business nila. That is why hindi siya madalas makauwi. Yun ang main reason kung bakit sila magkakahiwalay ni Maymay." Paliwanag ni Direk.

Ex ko si Kuya Tanner? Ay iba din.

English-an na umaatikabo itey.

Nginitian ako ni Kuya Tanner.

"Ate May. Bakod deactivated." Bulong sa akin ni Yong.

"Bushak ka! Anu bang sinasabi mo?" Bulong ko din kay Yong.

"Kung buo yang kamay niyan nakasakal na yang si Boy Bakod." Bulong na naman ni Yong.

Sinipa ko na lang siya sa ilalim ng mesa para magtigil.

"How about my role Direk?" Nagtaas ng kamay si Edward.

"Tingnan mo Ate May, nagtatanung na. Hindi papadaig yan bai." Napakakulit na bulong ni Yong.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon