Chapter 63

2K 131 69
                                        

"Nagkiss kayo? Nagkiss kayo bai? Luh luh luh." Pang-aasar ni Yong.

"Hindi ah. Grabe ka. Isang linggo tayong di nagkita tapos yan itatanung mo."

"Pano naman kasi ang tagal na nga natin di nagkita. Ayaw niyo pa magbidang dalawa. Tapos kayo lang lagi magkasama dahil sa mga shooting niyo bai."

"Focus tayo sa shooting oy. Last day na." Nag-change topic ako agad.

"Iniiba mo usapan Ate May eh. Anu na?" Pangungulit pa din niya.

"Siyempre hindi. Hindi naman kami nuh."

"Bakit? Di mo pa ba siya nagugustuhan ulit?"  Tanung niya.

"Ewan. Hindi ko alam."

"Weh. Talaga ba? Eh kilig na kilig ka nga sa noo ni Edward."

"Di ko nga alam. Kulit mo."

"Sige na. Kung ayaw mo magkwento Ate May okay lang. Ganyan naman kayo bai." Sabi niya sa nagtatampong tono.

"Uyy. Wala naman kasing nangyari."

"Hindi. Okay lang. Wag ka na magpaliwanag. Alam ko naman bai, na hindi mo pwede ikwento. Naiintindihan ko." Nagtatampo pa rin siya.

"Uy. Wala naman talaga eh. Kiniss niya lang ako sa noo."

"Kiniss ka niya sa noo?" Biglang nagliwanag mukha niya.

Bushak. Nadaan ako sa patampo niyang boses.

"Luh luh luh luh. Layaggggg!" Cheer ni Yong.

"Uy wag kang maingay. Nakakahiya." Bawal ko sa kaniya.

"Iti-tweet ko to bai. Walang makakapigil sa akin." Sabi ni Yong.

"Uyy. Wag nga." Bawal ko na naman sa kaniya.

"Nagtatype ako Ate May. Wag kang magulo." Ako naman ang binawal niya.

"Bahala ka. Wala namang nakakakilala sa amin." Napagtanto ko.

"Anung wala? Ano to? Ano to? Sikat na kayo nuh. Simula nung ipalabas natin yung movie nila Kuya Nikko." Kwento niya.

Ipinakita niya sa akin yung cellphone niya.

"MayWard Philippines?" Pagtataka ko.

"Ginawa yan nung mga nakapanuod ng movie niyo. Kaya isang tweet ko lang. Kikiligin na sila bai." Pagpapatuloy niya.

"Oyyyyyy. Wag na kasi Yong."

"Ititweet ko o ikekwento mo sa akin lahat ng nangyari?" Pagbabanta niya.

"Eto na. Ikekwento ko na." Pikit mata akong napapayag.

"Madali ka naman palang kausap Ate May eh." Nakatawa niyang sabi.

Bushaaaakkk.

Paano ko naman ikekwento nang hindi ako kinikilig?

"Maymay! Yong!"

Papalapit sa amin si Edward.

"Uyy. Hello." Bati ko.

Naghug siya sa akin.

Bushaaakkkk. Ang aga aga.

"Ay may pa-hug. Hindi ka pa gusto ni Ate May niyan bai ah." Panunukso ni Yong.

"But I do like her. So I'll keep hugging her. Don't worry I'll make it tight when you're not around." Sabi ni Edward.

"Ay kahit ngayon na bai. Wag kayong mahiya. Wala naman ako dito eh. Di naman ako nag-eexist." Tugon ni Yong.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon