Chapter 42

1.7K 116 47
                                    

MAYMAY'S POV

"Let me sleep beside you today." Sabi ni Edward.

Mali ba ko ng pagkakarinig?

"Ha?" Tanung ko.

"I'm a-asking if I can sleep with you." Ulit niya.

Tama nga ang dinig ko.

"Ha?"

Hindi ko talaga alam ang sasabihin.

Hindi ko rin alam ang dapat isipin.

"Anu kasi. I heard my roommates that they are planning to have a drink in our room. They are so loud. Baka hindi ako makatulog, ang dami pa naman nating activities tomorrow. And the worst part is, they might offer me a drink." Paliwanag niya.

Kaya naman pala siya makikitulog.

"Eh di ba bawal magpasok ng alcoholic drinks?" Usisa ko.

"Yup. I also don't know how they ended up bringing it in our room." Napakamot siya sa ulo.

Kawawa naman siya. Baka mapuyat pa siya, nakita ko pa naman yung program para bukas, medyo loaded talaga.

"Pe-pero bakit beside.." Hindi niya ako pinatapos.

"Please don't misunderstand me. I said that because when I went to Ate Jinri's room earlier, I saw there are two beds. I can sleep on the floor beside your bed. May extra beddings naman."

"Ah." Matipid kong sagot.

Ikaw naman kasi Maymay.

Kung anu anung naiisip mo eh.

Kinilig ka lang sa kantahan niyo, iba na iniisip mo.

Bushaaaakkkk kasing mga titig ni Edward eh. Lakas makadala sa outer space.

Wala tuloy ako sa sarili ko.

"Kaso Edward, alam mo naman na nakikitulog lang din ako kay Ate Jinri, tapos lalaki ka pa."

Kriiiiiiinnnngggg

Kriiiiiiinnnngggg

Si Ate Jinri tumatawag sa'kin.

Sinenyasan ko si Edward na sasagutin ko muna yun.

"Hello po Ate Jinri?"

"Maymay. I might stay up late tonight." Sagot niya sa kabilang linya.

"Po? Bakit po?" Tanung ko.

"I'm going to supervise the preparation for tomorrow's activity. Plus some important guests are arriving and as a co-sponsor I need to greet them properly."

"Ganun po ba? Umidlip po kayo kahit saglit lang. Tsaka uminom po kayong madaming tubig." Bilin ko.

"Sure. You don't need to worry about me."

Pano ko ba sasabihin yung tungkol kay Edward.

"A-ate, anu po kasi. Si Edward po..."

"Oh and by the way Maymay, let Edward sleep on my bed. I heard siksikan sila sa room nila. He also needs rest."

Sasabihin ko pa lang, nasagot na agad ako.

"Ah sige po. Thank you po Ate Jinri."

"Ok. Sleep tight. Bahala ka na sa kwarto natin ah. I trust you guys. Bye." Paalam ni Ate Jinri.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon