"Ate May..."
"Ate May..."
Naramdaman ko na may nagyugyog sa balikat ko.
"Ha? Kausap mo ko?" Tanung ko kay Kisses.
"Ay kanina pa Ate May."
"Sorry. Hindi ko narinig. Ano yun?" Tanung ko.
"Kanina ka pa nakatulala simula nung sinundo kita sa dorm niyo. Hanggang dito ba naman sa school?"
"Talaga ba? Sorry talaga. Bakit mo na nga ako sinundo sa dorm?"
"Ay grabe ka Ate May ah. Diba nung sinundo kita sabi ko sa'yo sabay na tayo kasi may outreach program ako na sasamahan." Paliwanag ni Kisses.
"Ah oo nga. Haha. Pasensiya ka na ah." Pagpapaumanhin ko.
"Okay ka lang ba Ate May?"
"Ah. Eh oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay?" Ngumiti ako sa kaniya.
"May hindi tama eh. Kanina ka pa wala sa sarili. Kung anu man yan, andito ako para makinig." Panghihikayat niya.
Sasabihin ko ba sa kaniya?
"Kisses, anu kasi eh....."
"Sige Ate May, ano yun?"
"Si Edward kasi hinalikan ako......."
"Waaaaahhhhhhhhhhhhhh!" Malakas niyang sigaw.
Tinakpan ko pa ang tenga ko kasi feeling ko mababasag eardrum ko.
Sabi ko na nga hindi ko dapat sabihin.
"Oh my. Oh my gosh Ate May." Pinaypayan niya ang sarili niya.
"Uy Kisses wag ka maingay." Bawal ko sa kaniya.
"Paano kumalma Ate May? Paanong nangyari? Ibida mo dali."
"Oy anu ka ba? Sa noo lang naman." Tinuro ko ang noo ko.
"Sa noo lang? Lang Ate May? Uy anu ka ba, forehead kisses are the sweetest."
"Habang nagshoo-shoot kami. Alam ko naman na parte lang yun nung act namin. Pero nagulat ako kasi walang ganun sa script." Pagbibida ko.
"Kaya kanina ka pa tulala?" Tanung ni Kisses.
"Oo. Siguro kasi unang beses yun. Kung matagal na siguro ako sa pag-acting baka wala na lang sa akin yun. Pero dahil first timer ako. Parang di ako makamove-on." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆