Chapter 55

1.5K 107 48
                                    

Rrrrrriiiiiinnnggg!

Rrrrrriiiiiinnnggg!

Cellphone ko ba yun? Hindi ko maimulat mata ko. Antok na antok pa ko. 😴

Kinapa kapa ko ang gilid ng unan ko.

Rrrrrriiiiiinnnggg!

Aish. Kauuwi lang namin 6 hours ago galing sa shoot sa recreational park, may tumatawag na agad. Huhuhuhu. 😴

Rrrrrriiiiiinnnggg!

Pagkakuha ko ng cellphone ko, hindi ko na tiningnan kung sino tumatawag. Sinagot ko na agad.

"Hello." Tamad na tamad kong sagot.

"Ate Maaaaaaayyy!!!" Bushak na boses ni Yong oh.

Inilayo ko sa tenga ko agad yung phone kasi nakakabingi talaga ang lakas.

"Yong naman, pakihina ng kaunti." Pakiusap ko.

"Kagigising mo lang bai? 3pm na." Usisa niya.

"Ano pa nga ba? Kahahatid niyo lang sa'kin dito sa dorm. Maawa ka naman."

"Ate May si Direk kasi eh, nagpapatawag ng meeting. Wala pa nga akong tulog. Punta ka na dito. Tulungan mo ako magtawag sa ibang members bai." Pakiusap niya.

"Subukan ko makapunta agad ah. Maliligo pa kasi ako. Di pa din ako kumakain. Gagayak pa ako."

"Wag ka na kumain Ate May. Makita mo pa lang si Edward busog ka na eh." Pang-aasar niya.

"Nandiyan na ba siya?" Tanung ko.

"Wala pa nga din eh. Tatawagan ko pa lang siya pagkatapos kitang kausapin. Malamang di pa din nakakatulog yun kasi siya huling ihinatid nila Direk. 24 hours siya halos nagshoot."

"Oo nga. Osige na. Maliligo na muna ko. Bye!" Paalam ko sa kaniya.

Yung talukap ng mga mata ko bumabagsak pa talaga. Puyat is real. 😴

Maymay. Dumilat ka!

Hayyy. Makaligo na nga.

🛁

Nagkakagulo sila sa loob ng auditorium pagdating ko.

"Ate May!" Tawag sa akin ni Yong na nakaupo sa may gawing harapan.

Kinawayan niya ako para lumapit ako sa kaniya.

"Dito ka na lang bai." Tinuro ni Yong ang upuan sa kaliwa niya.

Pagkaupo ko, tsaka ko lang napansin na nasa kanan ni Yong si Edward.

"Kadadating lang din niya bai." Bulong ni Yong nang mapansin niya na nakatingin ako kay Edward.

"Ahhhh. Bakit daw nagpatawag ng meeting?" Usisa ko.

"Hindi ko din alam eh. Tinanung ko din naman si Edward kaso wala din daw siyang idea. Sa akin nga lang daw niya nalaman na may meeting." Paliwanag niya.

"Ganun ba? Anu kayang pag-uusapan nuh? Bakit biglaan?" Pagtataka ko.

Bumukas ang pintuan ng audi, naglakad papasok si Direk.

Bakit parang ang seryoso ng mukha ni Direk? Nagdire-diretso lang siya paakyat ng stage.

"Nandito na ba lahat?" Tanung ni Direk.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon