"May we call on the next pair. Edward and Maymay." Tawag ni direk.
Nagpalakpakan lahat ng nasa loob ng auditorium.
Marydale kaya mo 'to.
Nagpunta kami sa magkabilang dulo ng stage.
Ngumiti sa akin si Edward. Hudyat na umpisa na.
Unti-unti kaming naglakad papunta sa gitna ng stage.
"Ouch." Sabi ko.
Nagkabanggaan kaming dalawa.
"Sorry miss." Inalalayan niya ko para makatayo.
Nagkatitigan kami. Parang nakuryente ako sa mga tingin niya.
"Ok lang. Sorry din. Di ako nakatingin sa dinadaanan." Ngumiti ako.
"Wait. Did you just fart?" Umasta siya na parang nababahuan.
"Ha? Hindi ah. Bakit?" Tumanggi agad ako. Ututin ako pero hindi ngayon.
"Cause you blew me away." Sabay tawa niya ng malakas.
"Ah. Gusto mo yung mga ganyan ah. Noo ka ba?" Hamon ko sa kaniya.
Kinapa niya yung noo niya.
"Bakit?" Sagot niya.
"Kasi noo-n pa, mahal na kita." Sabay ipit ko ng buhok ko sa may kaliwang tainga.
"Wow. Haha. Bobo ka ba?"
"Bobo ba ko?" Bakit?" Umasta ko na nasaktan sa tanung niya.
"Kasi you bobo-o may whole life." Inipit niya sa kanan kong tainga ang mga naiwang buhok.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ko mapigilang kiligin.
Wala namang ganito sa praktis ah.
"I'm Edward." Pakilala niya.
"I'm Maymay." Nakipagkamay ako sa kanya.
Naririnig ko ang mga hiyawan at palakpakan sa baba. Pero malabo sila sa paningin ko. Si Edward lang ang malinaw sakin.
Kaagad kaming nagpatuloy sa pangalawang scene.
Tumabi ako kay Edward. Kasalukuyan siyang nakaupo at kunwaring busy sa pagcecellphone.
"Brad tulungan mo na kasi ako." Pangungulit ko sa kaniya habang hinihigit ang kaniyang damit.
"No." Tanggi niya na may kasamang iling.
"Brad naman oh. Parang hindi kaibigan." Pangongonsensiya ko.
"Explain it first. What is that favor you are asking me?"
"Yung kababata ko nga kasi. 6 years old lang siya nung umalis dito sa Pilipinas. Nasa New York na siya ngayon. Nakita niya ko sa facebook. Gusto niya magkausap kami. Eh alam mo namang mahina ako sa english." kinamot ko ang ulo ko.
"Then use google translate. I'm busy." Asar niyang sabi.
"Busy? Eh naglalaro ka lang naman eh. Sige na kasi brad."
"I said no." Tinaasan pa ako ng kilay.
"Ngayon lang to brad. Please. Sige na. Di na kita aasaring parang airport yang noo mo."
Nakita ko nanlaki yung mata niya. Siguro napansin na medyo pang totoong buhay yun. Hahaha.
"Really?" Tanung niya.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fiksi Penggemar[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆