Chapter 9

2.2K 152 29
                                        

"Ate May. Pagkatapos mo sa glue gun, pahiram ako." Sabi ni Yong.

"Sige abot ko na lang sayo Yong." Sagot ko.

Bumukas ang pinto ng props storage room.

"Yong!" Sigaw ni Edward.

"Oh bai." Sinalubong siya ni Yong at nag-hug sila.

Ah. Mahilig pala talagang mangyakap si Edward. Uso pala sa kaniya. Ganito siguro siya sa mga kilala niya.

Oh Maymay. Tama na. Ganun siya sa lahat. Tama na kakaisip ng kung anu ano.

"Maymay, you're here." Lumapit siya sa akin, nag squat siya para ma-hug niya ko. Nakaupo kasi ako sa sahig.

"Uhm. Hello." Bati ko din sa kaniya.

"Yaaahhh. Guys sabi ko sa inyo. Call me if you're planning to make props. You didn't inform me." Sabi ni Edward sabay simangot kunwari.

"Sorry bai. Wala kasi ako load." Pagdadahilan ni Yong.

"I'll let you pass this time. Sa susunod magtatampo talaga ko." Banta niya.

"Si Yong may kasalanan di ako ah. Haha. Tapos na workshop niyo?" Tanung ko kay Edward.

"Wala kami workshop today. Direk is busy with the script. Let me help you with that." Kinuha niya yung mga idinidikit ko.

"Kaya pala kanina. Yung assistant director lang nakita ko."

"Tapos na din workshop niyo?" Tanung ni Edward.

"Katatapos tapos lang. Sakto nung nag water break kami, nadaan si Yong dun. Tinanung niya ko kung pwede ko siyang tulungan. Kaya pagkatapos namin, dumiretso kaagad ako dito. Naku Yong dapat may libreng pagkain ako dito ah." Paliwanag ko.

"Yong is just scared of the ghost here that's why he's asking you to come." Pang-aasar ni Edward.

"Hindi ah. Sinong naniniwala sa multo bai? Walang ganun nuh. Ako matatakot? Di ah." Pagpupumilit ni Yong.

Tawa lang ako ng tawa sa kanilang dalawa kasi si Yong pinagpapawisan kahit naka-on yung aircon. Hindi daw siya takot niyan ah.

"Edward." Mahina kong tawag sa kaniya.

"Bakit?" Mahina niyang tugon para hindi kami marinig ni Yong.

"Lapit ka dito." Aya ko sa kaniya.

Nag unti-unti naman siyang lumakad papalapit.

"Why are you whisphering?" Umupo siya sa tabi ko.

Nilabas ko ang cellphone ko.

"May nakasave ako dito na tunog ng mga humihiyaw na multo. Ganito gagawin mo. Unti unti kang pumunta dun sa switch ng ilaw nang hindi napapansin ni Yong. Tas hintaying mo yung signal ko. Ipapatay sindi mo yung ilaw sabay papatunugin ko yung mga hiyaw. Okay ba?"

"That sounds fun." Agad siyang naglakad para hindi mapansin ni Yong ang ginagawa niya.

Bumilang ako ng hanggang tatlo gamit ang kamay ko.

"Go!" Hudyat ko sa kanya.

Nagpatay sindi ang ilaw sabay ng mga hiyaw ng multo.

"Wahhhhhhhhhh! Maymayyyyyyyyy! Edwarrrrrddd! Asan kayoooooooo?" Hiyaw ni Yong.

"Wag niyo ko iwan ditoooooo!"

Pamaya-maya lang ay naramdaman ko na palapit sakin si Yong. Hahahaha. Di daw takot ah. Hahaha.

Binuksan na din ni Edward ang ilaw.

Pagtingin ko sa tabi ko, nakakapit sa akin Yong. Hahahahahaha

"Hindi ko naman kayo inaano eh. Grabe kayo mga bai." Patampong sabi ni Yong.

Pero ako tawa lang ng tawa. Kasi yung kaba ni Yong mga 52. Haha. Tapos yung pawis niya, parang galing sa gym lang eh. Hahaha.

"Yong move away from Maymay. You look like a kid." Sabi ni Edward.

"Eh tinakot niyo ko. Malamang maghanap ako ng karamay." Sagot ni Yong.

"Haha. Sorry Yong." Sabi ko.

"Grabe ka Ate May. Papatayin mo ata ako sa takot."

"Oh bitaw na. Bitaw na. Wipe your face." Nagulat ako na nasa harapan na namin si Edward at bahagyang hinatak si Yong.

"Isa ka pa Edward. Lakas ng trip niyo. Magsama kayo. Lalakas mang-asar." Asar na sabi ni Yong.

"High five!" Nag appear pa kami ni Edward.

"Oh back to work na tayo. Sorry ulit Yong." Aya ko sa kanila.

"Pag inulit niyo pa talaga yun. Hindi ko na kayo mapapatawad." Warning ni Yong.

Bumalik na si Yong sa pwesto niya.

Si Edward tumabi sa'kin, tawa pa rin siya ng tawa.

"Wag niyo ko iwan ditoooo." Sabi ni Edward habang ginagaya si Yong.

"Uy tama na. Baka magalit na si Yong." Pagbabawal ko.

"He does not know how to be angry."

"Kahit na ah. Haha. Pero laftrip talaga." Napatawa ako ni Yong.

"You're plan is effective."

"Hindi ko akalain na ganun magiging reaction niya."

"By the way, about the skit. Buti na lang I told you first. I heard Kuya Luis and Kuya Tanner talking about their plan on asking you as their partner."

"Kuya Luis? Kuya Tanner? Di ko ata sila kilala."

"Old members sila. I think you've seen them. Remember the two tall guys who are present on the Level 2 Audition?"  Tanung niya sa akin.

"Ah. Oo. Naalala ko na. Yung mga parang naggi-gym. Yung medyo malalaki katawan." Nakita ko na nga ang mga yun.

"Yeah, that's right. Anyway, do you have any suggestions on what we're going to do at the skit?"

"Ang naisip ko. Pwede siguro tayo mag pick up lines."

"That's good. Let's try. Did you just fart?" Banat niya.

"Why?" Tugon ko.

"Cause you blew me away." Sabay tawa niya ng malakas.

"Aba. Pwede. Pwede. Sige ako naman. Noo ka ba?"

Kinapa niya yung noo niya. Naconscious bigla. Hahaha. Laki kasi ng noo niya.

"Bakit?" Sagot niya.

"Kasi noo-n pa kita mahal." Banat ko.

"Wow. Haha. I still have one. Bobo ka ba?" Tanong niya ulit.

"Bobo ba ko?" Bakit?" Parang namemersonal na siya ah. Haha

"Kasi you bobo-o may whole life."

Ang sweet. Ang galing mag-isip ng lalaking to basta kalokohan. Haha.

"I think we can do well on the skit. Thanks for your help Maymay."

"Wala yun. Ang saya kaya." Nginitian ko cia.

Mas lumapit pa siya sakin at niyakap ako.

"I'm happy. I got you."

Author's Note:
Hi guys! Thank you for the votes. Super blessed ng MayWard ngaun. May ganap pa sila sa Ariel today. 😄
June- MM's album lauch
July- London
August- Singapore
Let's continue praying for our babies. 💙

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon