Chapter 30.5

1.9K 126 51
                                    

Hindi ko na kayang magsinungaling pa kay Edward. Feeling ko mahuhuli at mahuhuli niya ako.

Tinext ko si Kuya Nikko para sabihin sa kaniya na sasabihin ko na ang totoo kay Edward.


"Saglit lang Edward ah. Hindi ko kasi mae-explain 'to na ako lang." Sinabi ko kasi kay Edward may ipapakilala ako sa kaniya.


"Take your time." Tugon ni Edward.


Halatain ba talaga ako? O kabisado na ko ni Edward.


Sana makumbinsi ko pa din siya kahit na malaman niyang si Kuya Nikko ay isa sa mga kagrupo ng mga nagtanung na sa kaniya dati.


"You seem nervous." Puna ni Edward.


"Hindi ah. Hindi ko lang kasi alam kung paano uumpisahan." Sabi ko.

"You can tell me everything." Tiningnan niya ko na parang nangungumbinsi na sabihin ko lang lahat lahat sa kaniya.

Hindi ako mapakali habang hinihintay ko si Kuya Nikko.

Naglalakad ako pabalik-balik dahil sa taranta.

"Maymay!" Tawag ni Kuya Nikko.


"Kuya!" Nilapitan ko siya.


"Ano yung sinasabi mo? Na sasabihin mo na ang totoo." Bulong ni Kuya Nikko.


Itinuro ko si Edward para maintindihan ni Kuya Nikko.

"Kuya pa'no pag hindi siya pumayag lalo?" Tanung ko.

"Ganun talaga. Hayaan mo na." Sagot ni Kuya Nikko.

Nilapitan namin si Edward.

Tiningnan niyang mabuti si Kuya Nikko.

"Edward. Ano kasi eh. Ang totoo niyan, nagpapatulong sakin si Kuya." Tinuro ko si Kuya Nikko.

Seryosong nakatingin lang si Edward at nakikinig.

"Oo nga pala. Di mo pa siya kilala. Pakilala ko muna kayo. Edward si Kuya Nikko. Kuya Nikko si Edward." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Nagkamayan naman sila.

"Continue what you're saying Maymay." Utos ni Edward.


"Ayun. Si Kuya Nikko kasi nakiusap siya sa akin." Hindi ko maituloy-tuloy ang pagsabi.

"Maymay ako na lang." Awat sa akin ni Kuya Nikko.

Tumango ako at naupo sa tabi ni Edward.

"Sorry kung sa ganito tayo nagkakilala. Pero napulot ko kasi sa audi yung picture niyong dalawa. Pinakita ko sa mga kagroup ko kasi baka kako may nakakakilala sa inyo, ibabalik ko yung picture niyo. Nabanggit ng mga kagroup ko na ikaw pala ang best actor nung nakaraang film fest. Kaya naman naisipan ka namin na lapitan at alukin ka na magbida sa gagawin naming short film. Pero tinanggihan mo yung kaibigan kong si Mokya." Paliwanag ni Kuya Nikko.

"Yup. I remembered him. He talked to me last week." Komento ni Edward.

"Kaya sumunod na hiningan ko ng tulong si Maymay. Nangungupahan siya sa dorm ng tita ko. Nakiusap ako na kumbinsihin ka na sumali din dahil sasali siya. Sinabi ko din sa kaniya na wag na banggatin na nakiusap kami sa kaniya. Kasi baka tumanggi ka ulit."

"Now I understand." Tumango tango si Edward.


Hindi ko alam ang iniisip ni Edward. Di ko kasi mabasa sa mukha niya.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon