Chapter 25

1.9K 126 37
                                    

"Bulaaagggaaaa!"

"Ay bushak! Anu ba naman Yong, ikaw lang pala." Sabay hampas ko kay Yong.

Nakita ko na lang siya na nasa tabi ko habang nakatayo ako sa labas ng room namin.

"Baka naman kasi matunaw mo yung poste ng building namin kakatitig mo diyan sa room namin."

"Room niyo yan?" Kunwari kong tanung.

"Ay kunwari pang hindi alam. Eh limang araw mo nang tinititigan yan."

"Hala hindi ah. Hindi ko talaga alam na diyan kayo naka-room ni Edward."

"Huli ka! Hindi naman namin nababanggit ni Edward na magkaklase kami ah."

Hala. Bushak! Oo nga naman. Nabuking tuloy ako.

"Oh magkakaila pa eh. Alam mo ang cute niyo eh noh. Huling huli na kayo ayaw pa umamin." Sarkastiko niyang sabi.

"Bakit ka ba kasi nagawi dito sa building namin?" Tanung ko.

"Ay bawal? Nanghiram ako ng libro dun sa kakilala ko. Diyan yung room nila sa dulo." Sabay pakita sa'kin ng librong hawak niya.

"Kendi oh. Gusto mo?" Alok ko sa kaniya.

Kumuha naman siya.

"Suhol ba 'to? Para hindi ko sabihin kay Edward na nag-iisang linggong pag-ibig ka dito?" Tanung niya sa'kin.

"Isang linggong pag-ibig?" Pagtataka ko.

"Oo, diba mula Lunes pinapanuod mo na si Edward mula dito sa room niyo? Eh biyernes na ngayon, complete attendance ka Ate May?" Tinawanan niya ko.

"Ewan ko sa'yo. Malunok mo sana ng buo yang kendi." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Lunes. Nang kayo'y magkakilala." Kanta ni Yong.

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Martes. Noo niya'y iyong nakita." Pagpapatuloy niya.

Gusto ko matawa, pero nakakaasar yung lyrics ni Yong.

"Miyerkules. Nagtayo na siya ng mga bakod. Huwebes, ay inibig ka na niya."

Grabe si Yong. Ang daming naiisip.

"Biyernes, puno ng pagmamahalan. Mga puso nila'y ayaw pang mag-aminan."

Hinayaan ko na lang siya. Kung hindi ko lang siya talaga kaibigan.

"Sabado kayo'y biglang nagkatampuhan. At pagsapit ng Linggo, umiiyak si Edwardo."

Binatukan ko siya pagkatapos niyang kumanta.

"Aray naman Ate May. Kumakanta lang yung tao, bai." Depensa niya.

"Kumakanta lang? Eh pinaparinggan mo ko eh." Inirapan ko siya.

"Ay bakit nga pala kita nilalapitan?" Naglakad siya at lumayo sa akin ng bahagya.

"Bakit? May sakit ba ko? Mabaho ba ko?" Inamoy kong sarili ko.

"Pag nilapitan kita, manganganib ang buhay ko." Sabi ni Yong na parang baliw, nag-uusap kami pero isang metro layo namin.

"Nabuang ka na bai?" Tanung ko ulit.

Sinubukan kong maglakad palapit sa kaniya.

"Ate May, maawa ka sa buhay ko bai." Sabi niya na parang natatakot.

"Yong, yung totoo? Napapano ka?" Gigil kong tanong.

"Diyan ka lang Ate May. Wag na wag kang gagalaw."

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon