MAYMAY'S POV
"Inaantok na ko bai." Reklamo ni Yong.
"Oo nga eh. Gabi na din kasi nuh?" Pagsang-ayon ko sa kaniya.
"Matagal pa kaya? Kasi hindi pa talaga ko nakakatulog ng matino bai."
"Mukhang matagal pa eh. Inaayos pa lang nila yung set eh." Itinuro ko sa kaniya sa di kalayuan si Edward na inaayusan pa lang ng buhok.
"Maymay!" Tawag sa akin ni Kuya Nikko.
"Po? Ano po yun kuya?"
"Be ready para sa scene 3. Doon pupwesto sila Edward sa loob ng cafe." Tinanaw ko ang itinuro niya.
Nakapwesto na nga dun si Edward at ang babaeng makakaeksena niya. Nakikita ko sila sa pamamagitan ng glass na dingding ng cafe.
"Ang magiging eksena. Kagagaling mo lang sa date mo. Tapos mapagdedesisyunan mo na tumawag kay Edward para humingi ng advice kung makikipagdate ka pa ulit dun sa lalaking nakadate mo." Pagpapaliwanag ni Kuya Nikko.
"Siguro kuya maganda kung maglakad ako dito sa kalye, para kunwari pauwi na ako sa bahay. Tapos sa sobrang di na ko makapaghintay, di ko na nahintay na makarating sa bahay, tumawag na kaagad ako kay Edward." Suhestiyon ko.
"Tama. Tama. Hanggang sa pag-dial mo lang ang kukunan natin. Kasi ililipat na yung camera kay Edward, ipapakita na siya naman ang may kadate kasi nga di ba expert siya sa mga dates. Ipaparinig na lang ang boses mo." Dagdag ni Kuya Nikko.
"Ah ok po. Magtatawagan po ba talaga kami?" Tanung ko.
"Oo. Para mas natural. Makikita mo naman siya mula dito kaya mas maganda ang timing ng usapan niyo."
"Sige po. Magready na po ako."
"Sige. Eto nga pala yung script mo." Sabay abot niya sa akin ng mga papel.
Makapagbasa nga muna habang di pa nag-uumpisa.
"Ate May. Anu nga palang role ko? Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ni Kuya Nikko sa'kin." Pangungulit ni Yong.
"Di ko rin alam. Basta sabi niya ikaw daw yung huling makakadate ko."
"Ayoko naman tanungin ulit. Baka makulitan na sa'kin. Ate May. Ayan na, mag-uumpisa na kayo." Sabi ni Yong.
Tumayo na ko para pumunta sa lalakaran ko.
"4,3,2...Action!"
Naglakad lakad ako sa kalye habang hawak hawak ang bag ko.
Inilabas ko ang cellphone ko at nag-dial ng number ni Edward.
"Hello bestfriend!" Bati ko kay Edward.
"Oh. Why did you call?" Tanung niya sa kabilang linya.
"Cut!"
"Ganda ng shot Maymay." Sabi ni Kuya Nikko.
Inilipat na nila ang camera kay Edward.
"Alam mo Ate May. Maling-mali yung gumawa ng script niyo." Kinalabit ako ni Yong.
"Ha? Bakit naman?" Pagtataka ko.
"Bakit bestfriend ang nilagay? Di ba dapat boyfriend bai? Hello boyfriend." Ginaya niya ang tono ko.
"Ha? Magbestfriend naman talaga role namin ah."
"Bestfriends lang ba talaga?" Mapang-asar niyang tanung.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆