"Sinabi niya yun sa'yo?" Tanung ni Kisses.
"Oo. Nagulat nga ako eh. Kasi okay naman kami nung umaarte na kami. Akala ko nga hindi niya narinig kasi tinulungan niya ko. Ang galing galing pa niya."
"Tapos nung magpapasalamat ka tsaka ka niya sinita?" Pagkokompirma ni Kisses.
"Oo. Todo pasalamat pa man din ako. Tapos bigla akong ginanun."
"Grabe naman pala yun Ate May."
"Hayaan mo na. Kasalanan ko naman talaga. Kung sakin din ginawa yun. Baka ganun din reaksiyon ko."
"Eh panu yan Ate May? Kapag napasa ka na sa drama club. Mas madalas mo siyang makikita. Di ba kayo magkaka-ilangan nun?"
"Oo nga. Hala. Iiwasan ko na lang siya. Marami naman akong pwede kausapin dun eh." Napaisip ako dun. Hala paktay na bai.
"Pano kung maging mag partner kayo sa mga act Ate May?" Maintrigang tanung ni Kisses habang inaabutan ako ng maiinom.
"Baby Girl naman eh. Wag mo ko pakabahin. Bahala na talaga." Ano ba yan? Akala ko naman wala ng problema.
"Sabagay kumain na lang tayo at magpray na pumasa ka Ate May. Super excited na ko sa results, bukas na yun diba Ate May? Lilibre mo ko pag pumasa ka ah." Nginitian niya ko ng matamis.
"Sige na nga." Nag hug kaming dalawa.
KINABUKASAN...
Tut tut tut tut tut tut tut
"Hmm. Sino ba tong tumatawag?" Aninaw ko sa screen ng cellphone.
Aish unregistered number. Sino ba to? Baka naman mag aalok lang ng networking.
"Hello po."
"Hello Ms. Entrata."
"Yes po. Sino po sila?" Parang pamilyar ang boses.
"This is the director of drama club." Wahhhhhh. Bakit siya tumawag?
"Ah. Ano po yun mam?" Tanung ko.
"I just want to inform you that you passed the second level. Welcome to the club."
Totoo ba? Totoo ba? Hindi ko mapigilan ang saya. Nagtatalon na ko sa kama at humihiyaw ako ng walang sound. Nakakahiya kasi kay Direk.
"Ah. Ms. Marydale?"
"Ay sori po direk. Masaya lang po. Maymay na lang po itawag niyo sa'kin direk."
"Ow. Ok. Again. Congratulations. We'll have an orientation at 1pm today in the auditorium. See you."
"See you po. Thank you po direk. Thank you po talaga." In-end na niya yung call pero narinig ko na natatawa siya bago niya ito patayin.
Wahhhhhhhhhhhhhhhhhh!
Totoo ba to? Panaginip ba to? Yes! Yes! Yes! Di ako mag stop sa pag aaral. Yes!In fairness ah. Daming load ni direk. Tinatawagan pa pag nakapasa. Effort bai.
Pero ang saya ko.
"Kisssssssseeeeeessssss!"
😂😂😂
Nakarating ako sa auditorium. Andun din yung mga kasabayan kong nag audition at pumasa.
Humanap ako ng mauupuan. Nauuhaw ako. Grabe naman kasi yung takbo namin ni Kisses kasi nga super excited ako. May water dispenser ba dito? Iginala ko ang mata ko.
Bushak! Nandito si Edward. Anung gagawin ko? Akala ko ba orientation. Bakit nandito pati old members? Pano na? Magtatago ba ko? Iiwasan ko ba siya?
"Actors. Mag ipon ipon kayo dito sa center." Instruct ni direk.
Direk. Please bilisan lang natin to. Di ko alam kung kaya ko tumagal dito.
Buti na lang sa may harapan siya umupo. Dito ako sa likod. Di niya ko pwede makita.
"Oh bakit yung new members nasa likod? Kayo dapat dito sa harap." Aya ni direk.
Wala pa ring kumikilos.
"Marydale. Pangunahan mo nga ang pagpunta dito sa harap."
Hanep. Special mention pa. Direk naman eh. Parang nananadya.
Wala akong choice kundi sundin siya. Huhuhuhuhuhu. Direk naman eh.
Itinuturo ni Direk ang bakanteng upuan sa tabi ni Edward. Dun niya ko pinapaupo. Pag mamalasin ka naman talaga. Bushak naman oh. Direk may alam ka ba?
"Okay. So everything's set. First, I want to congratulate our new members. Welcome to our colorful world."
Nagpalakpakan sila. Maliban sa katabi ko na hindi umiimik at busy lang sa pagbabasa ng libro. Anu ba yan? Di man lang makinig kay direk. Tsk tsk.
Ni hindi man lang niya ata alam na ako ang tumabi sa kaniya. Pero mas okay yun. Baka bigla na lang niya ako patayin gamit ang makakapal niyang kilay.
"This year. Sobrang laking pressure ang mararamdaman natin. I am hoping na hindi lang 2 or 3 awards ang makuha natin ngaun. We should bag the majority of the awards. Both minor and major."
Di pa din nakikinig tong katabi ko. Ang galang ah.
"Don't look at me. Listen to Direk." Usal ni Edward.
Wow ah. Wow lang talaga. Binaligtad pa ko. Ako pa daw ang hindi nakikinig.
Di na lang ako kikibo. Mabait ako. Aish.
"This year's genre for the film festival is romantic comedy. Alam niyo naman lahat na ang male lead ay si Edward, our best actor from last year's film festival. Gaya nga ng sabi ko. The second level of audition was also used to select some of you for the roles in the movie. Hindi pa tapos yung script but we're halfway there. I'm so excited, this will be fun."
Malas naman ng makakapartner ni Mr. Best Actor. Bida na naman siya, sabagay magaling naman talaga.
"I hope na magkasundo ang lahat. We should work as a team. I just want to say to you guys that as early as today you should inform your parents and friends na hindi niyo masyado ma-eenjoy ang summer vacation kasi next week mag start na ang workshops. Kakaibang preparation ang gagawin natin ngayon." So wala na talagang uwian to sa probinsya.
"That's all and ngayon pa lang gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Let's claim victory. See you in a week."
Nagpalakpakan sila at isa isa ng lumabas.
Napansin ko na tanggal pala ang sintas ng sapatos ko. Kaya lumuhod ako para ayusin.
Nakita ko na may huminto sa harapan ko. Dahil sa sapatos nito.
Pagtingala ko si Mr. Best Actor pala.
Inalok niya yung kamay niya.
Ayun naman pala eh. May tinatago naman palang pagka gentleman tong si Edward. Tutulungan pa ko tumayo.
Pagkasintas ko. Iaabot ko na sana ang kamay ko nang inatras niya ang kamay niya.
"Yung ballpen para sa attendance. Natangay mo." Sabi ni Edward.
Bushak! Marydale nakakahiya ka.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆