Chapter 7

2.1K 156 23
                                    

"Maymay sa canteen ka ba maglalunch?" Tanung ni direk.

"Opo direk. Bakit po?"

"Favor nga. Daan ka lang saglit sa props storage room. Naiwan ko kasi yung flashdrive ko don. Hanapin mo na lang si Yong. Sabihin mo pinapakuha ko."

"Yong po?" Paglilinaw ko.

"Yup. Yong Muhajil. Salamat. Bigay mo na lang sakin mamayang hapon ah. Thanks ulit."

Katatapos lang ng morning session namin ng workshop. Medyo nakakapagod pero kaya pa naman. Mabuti na lang at wala ulit yung old members kaya naman nakagalaw ako ng maayos at walang iniiwasan.

Naglakad ako papunta sa props storage room.

Tok. Tok. Tok.

"Ano po yun?" Isang lalaking nakangiti ang sumalubong sa akin.

"Ahm. Ikaw ba si Yong? May pinapakuha kasi sa akin si Direk."

"Ah sige pasok ka."

"Salamat." Pumasok ako sa loob at nakita ko ang sobrang daming props na ginamit nila noong nakaraang film festival. Wow. Napakakulay.

"Ikaw ba si Ate May?"

"Ah oo ako nga." Pano niya nalaman pangalan ko?

"Tumawag sakin si direk. Kaso hinahanap ko pa yung flash drive. Saglit lang ah. Upo ka muna habang hinahanap ko."

Tumango ako at umupo gaya ng sabi niya.

"Ang ganda pala dito nuh. Sobrang kukulay ng mga gamit dito." Puna ko sa paligid.

"Ah oo. Sinisigurado namin na maayos na nakasinop lahat kasi pwede pa namin ulit gamitin yan sa mga susunod na pelikula namin."

"Ganun pala." Tumango tango ako at nilapitan ko ang mga gamit para tingnang mabuti.

"Bago ka lang ba Ate May? Ngayon lang kita nakita." Tanung niya habang patuloy sa paghahanap.

"Oo. Kapapasa ko lang nitong nakaraang auditons. Ikaw ba? Mukhang sobrang bata mo pa ah. Feeling ko tuloy ate mo talaga ko. Haha." Sa pagsasalita pa lang kasi niya parang ginagalang niya ko.

"Di naman. Baby face lang ako." At tumawa siya ng malakas.

"Di nga? Yung seryoso."

"Member ako ng drama club. Madalas ekstra ako. Kaya sa libreng oras dito ako tumatambay sa props storage room para magpintura, magdikit at gumawa ng ibang props. Tutal scholar naman ako kaya parang tulong ko na lang din." Pagpapaliwanag niya.

"Scholar ka?" Paglilinaw ko.

"Oo. Hindi ba halata? Mukha lang talaga kong walang alam. Haha!" Tumawa siya ulit.

"Hindi ah. Mukhang ang sarap mo nga kausap eh. Nagulat lang ako. Kasi balak ko din mag-apply sa scholarship."

"Oh talaga? Ayos yan Ate May." Sabay thumbs up niya.

"Madali lang ba kumuha?" Usisa ko.

"Oo. Kuha ka lang ng certificate of grades mo. Tas sabihin mo kay Edward, yung president natin, na nag-aapply ka. Gagawan ka nun ng recommendation." Turo niya sa akin.

"Wala ba siyang ipapagawa bago ka bigyan ng recommendation letter?"

"Ipapagawa? Wala naman. Sobrang bait kaya nun bai."

Mabait daw. Talaga ba? Maniniwala na ba ko? Baka sa iba mabait. Huhuhu. Bakit kasi sa kaniya pa?

"Ah. Parang ang seryoso niya kasi." Komento ko.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon