YONG'S POV
"Kisses, tama?"
Nakasalubong ko sa may students' park ang kaibigan ni Ate May.
"Ah oo. Kilala mo ko?" Tanung niya.
"Oo. Pwede ba kita makausap saglit?" Pakiusap ko sa kaniya.
"Sige." Medyo ilang pa siya sa pagpayag.
Naupo kami sa pinakamalapit na bench.
"Yong nga pala." Nakipagkamay ako.
"Ah. Ikaw pala yun. Ikaw yung kaibigan ni Edward, right?" Pagkukumpirma niya.
"Oo. Nakita kasi kita minsan na kasama ni Ate May. Tapos naibibida ka din niya kaya pagkakita ko sayo. Hinulaan ko kung ikaw nga yon." Nahihiya kong sabi sa kaniya.
Nagbakasakali lang ako. Swerte tama ako.
"Anu pala yung pag-uusapan natin?" Tanung niya.
"Okay lang ba si Ate May? Hindi ko kasi siya nakita ngayong araw."
"Hindi nga eh. Kahapon umuwi ng umiiyak. Tinatanung ko kung anung problem. Pero ayaw sumagot. Puro ang sinasabi niya lang, di daw niya yun magagawa kay Edward. Gusto ko nga din sanang malaman kung anung nangyari. Ikaw ba alam mo?"
"Ang sabi ni Edward narinig niya daw si Ate May na nakikipagtawagan, at nabanggit dun sa usapan yung tungkol sa pag-aapply ni Ate May para sa scholarship."
"Ay ako yung kausap ni Ate May nun. Anung meron sa scholarship?"
"Sabi ni Edward, narinig daw niya na sinabi ni Ate May na magkaibigan na sila ni Edward at naghihintay lang siya ng tiyempo na humingi ng recommendation letter." Paliwanag ko.
"Tapos?"
"Sumama ang loob ni Edward. Sabi niya kaya lang daw pala nakipagkaibigan si Ate May sa kaniya kasi daw may kailangan sa kaniya."
"Hala. Hindi magagawa ni Ate May yun. Walang ganung plano si Ate May." Depensa niya.
"Alam ko. Siguro may misunderstanding lang bai."
Oh diba. English yung misunderstanding haha. Nagpapa impress ako. Hahaha.
"Friendly talaga si Ate May. Wala siyang masamang intensiyon. Ang totoo nga niyan. Nung umpisa tinaray-tarayan siya ni Edward pero nakipagkaibigan pa din siya kasi sabi niya mahirap ang may kaaway." Bida niya.
"Hindi ko nga din alam kung anung nangyayari sa kaibigan ko. Susubukan ko nga sana na kausapin siya mamaya."
"Mabuti pa nga. Pero parang kasalanan ko. Kinulit ko pa kasi si Ate May na madaliin yung pag-aapply niya ng scholarship kasi gusto ko magkablock kami." Malungkot na sabi ni Kisses.
"Hindi mo naman kasalanan yun. Masyado lang talagang naunahan ng galit tong si Edward. Kaya kung anu anung nasabi niya kay Ate May." Sana gumaan ang loob niya.
"Pero kasi, kung di ko naman tinawagan at kinulit si Ate May. Di sila mag-aaway." Pag-aalala niya.
"Anu ka ba? Malalaman at malalaman naman ni Edward na kailangan ni Ate May ng recommendation letter. Nagkataon lang siguro na sa maling paraan niya nalaman."
"Sana magkabati na sila. Alam kong tinuring talaga ni Ate May na kaibigan si Edward. Kasi kung hindi. Hindi siya iiyak ng ganun." Pangungumbinsi niya.
"Hayaan mo, magiging okay din lahat. Sa ngayon mas kailangan ka ni Ate May." Payo ko sa kaniya.
Tumango siya pero puno siya ng lungkot.
"Oo nga pala, baka pwede kong kunin number mo. Para matxt kita kung may balita ako at baka kailangan ko ang tulong mo."
"Sige. Eto oh." Inabot niya sakin ang cellphone niya.
"Salamat. Sige. Mauna na ako ah. Puntahan ko lang si Edward." Pagpapaalam ko sa kaniya.
Dumiretso akong actors' quarters kung saan kasalukuyang nagmumukmok si Edward.
Pumasok ako at nakita kong may binabasa si Edward. Pero alam ko naman na may iba siyang iniisip.
"Edward..." tawag ko.
"If this is about Maymay. I don't want to talk." Mabilis niyang sabi.
Wala siyang emosyon.
"Bai, hindi naman pwedeng ganyan ka lagi. Pag-usapan natin ng maayos." Pilit ko sa kaniya.
Hindi siya kumikibo. Kaya umupo na lang ako sa harapan niya.
"Mabuting tao si Ate May. Bakit kailangang umabot kayo sa ganito?" Medyo naaasar na ko kay Edward ah.
"Are you taking her side now?" Galit niyang tanung.
"Wala akong kinakampihan bai. Ang akin lang. Wag natin pairalin ang galit." Pagpapaalala ko sa kaniya.
"What do you want me to do? Manahimik?" Sarkatisko niyang tanung.
"Saan ba kasi nanggagaling yang galit mo bai?" Hindi na kasi tama eh. Sobra na.
"Come on Yong. You know me. You know why I've dedicated most of my time in acting."
"Sige. Sabihin natin na may dahilan ka. Na naaalala mo yung panahon na bago ka pa lang dito sa Pilipinas at walang nakikipagkaibigan sa'yo masyado bai. Na kaya ka nila kinakaibigan kasi may kailangan lang sila. At pag wala nang kailangan, hindi ka na pinapansin. Edward matagal ng tapos yun." Nauubos na pasensiya ko mga bai.
"It can happen again." Madiin niyang sagot.
"Edward hindi na mangyayari yun. Kaya ka nga nag-audition sa drama club diba? Para mahasa ang Tagalog mo. Kaya nga kahit gabi na todo kabisa ka pa ng script. Nakakaintindi ka na ng Tagalog ngayon. Hindi ka na nila maloloko dahil naiintindihan mo na sila bai."
"I don't know anymore. I don't know what to do." Bumuntong hininga siya.
"Bai. Alam mo kung gaano kabait si Ate May. Saksi ka dun. Kung paano niya ako tanggihan kapag inaaya ko siya na ililibre ko siya bilang kapalit sa pagtulong niya saking gumawa ng props. Iiling siya at sasabihing ipunin ko na lang daw. Kung paano siya makitungo sa atin, sa lahat."
Gusto kong ipaintindi kay Edward na hindi magagawa yun sa kaniya ni Ate May.
"I know. I know." Sagot ni Edward.
"You know? Eh anu tong ginagawa mo bai? Hindi nakakagwapo eh." Gigil ako ni Edward eh.
"I've been hard on Maymay during the auditions. I've never expected her to be friends with me. I was surprised when she suddenly ask for my forgiveness. I told myself, something's not right. How can she easily forgot what I did to her, my harsh words?"
"Kaya nung narinig mo na may kailangan sa'yo, naisip mo agad na, sabi ko na nga ba may kailangan 'to kaya ang bilis akong napatawad. Hindi ba pwedeng hindi lang siya nagtatanim ng galit? Hindi pwedeng mas pinipili lang niyang maging mapagpatawad?" Napapakamot ako sa ulo ko.
Masisiraan ako sa pinagsasasabi ni Edward.
"I'm just afraid to lose a friend. That's why when I heard her talking over the phone. That's the first thing that crossed my mind. Can't you see? I'm the problem here."
"Mabuti alam mo. Dami mong drama eh. Naku pag ako talaga hindi na pinansin ni Ate May. Ikaw talaga malalagot sa'kin bai."
"What am I going to do?" Tanung niya.
"Aba hindi ko alam. Ikaw lang ang makakapag-isip niyan bai. Hindi mo ba namimiss si Ate May? Kasaya kayang kasama nun." Sabi ko.
"I miss her, to the point na if no one's teasing my forehead. Di na ko sanay."
Author's Note:
Sabaw na sabaw po ako. Pasensiya na po. Deadline kasi namin sa office ngayon kaya naman ngarag si ako. Ang totoo niyan kras ko talaga si Yong. Napakagwapo kasi kaya ginawan ko ng POV hahaha. Pinaubaya ko na kasi kay MM si Ed kaya Yong na lang ako. Thank you po sa votes, reads, comments. Sobrang skrengge. Pinalitan ko yung story cover. Sana magustuhan niyo. 😊💙
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfiction[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆