"Magkakilala pala kayo Ate May." Usisa ni Yong habang kumakain kami.
"Yeah." Matipid na sagot ni Edward.
"A-ano kasi, naging mag-partner kami sa audition, yung sa Level 2." Pagpapaliwanag ko.
"Ah, ikaw pala yung binibida ni Edward na...."
"Yong drink water, baka mabulunan ka." Singit ni Edward, kaya naman biglaan na lang napainom si Yong.
"Ano yung binibida niya?" Tanung ko.
"It's just nothing. I just told him that we did a re-enaction of the movie of LizQuen."
"Ah. Oo. Alam mo Yong, sobrang galing nitong kaibigan mo. Kabisado niya yung mga linyahan ni Enrique ko." Bida ko.
"Ay oo bai, crush kasi niyan si Liza."
"Totoo?" Gulat kong tanung.
"Oo bai. May unan nga yan. Mukha ni Liza ang punda." Sabi ni Yong habang tinatawanan si Edward.
"Yahhh. Yong stop it. You're too talkative." Sabay bato ng balat ng saging kay Yong.
Nagtawanan lang silang dalawa habang nag-aasaran.
"Maymay you're not eating vegetables?" Pansin ni Edward.
Napatigil sila sa asaran nang makita nilang hinihiwalay ko yung mga gulay gulay.
"Ah. Hindi ako mahilig. Hihihi." Nginitian ko lang sila.
"Maybe that's the reason why you're a bit skinny. You should try eating vegetables. It's good for the body." Komento niya.
"Subukan ko next time. Haha." Tas next time sasabihin ko ulit, subukan ko next time. Walang katapusang next time. Hahaha.
Minadali ko ang pagkain dahil tinititigan ako ni Edward habang sumusubo. Mukhang gusto niyang ipilit yung gulay. Huhuhu.
"Yong kelan ka uuwi sa inyo?" Tanung ni Edward kay Yong.
"Baka nga hindi na bai. Sayang din kasi pamasahe. Sa dorm na lang ako."
"That's quite boring. How about you Maymay? How are you going to spend your vacation?" Tanung niya sa akin.
"Diba sabi ni Direk di naman daw tayo masyadong makakapagbakasyon? Kaya hindi na lang din ako uuwi sa probinsya. Nakikituloy muna ako sa bahay ng bff ko."
"Sakto Ate May. Pwede ko bang hingin tulong mo sa paggawa ng mga props? Kasi minsan wala akong makasama." Pakiusap ni Yong.
"Okay lang. Maganda din yung may kaclose ako sa Drama Club para masaya." Payag ko.
"Yong, she's going to have a workshop. Stop bothering her." Kontra ni Edward.
"Edward naman. Nakikipagkaibigan lang ako eh. Bakod agad bai. Hahaha!"
"Anu ka ba Edward? Okay lang sakin. Isa pa parang nakaka enjoy yun. Lalo na nung nakita ko kanina yung mga props. Sobrang bobongga ba."
"Okay. Tell me when you're going to make props. I'll join."
"Bai, kelan ka pa nagvolunteer gumawa ng props? Kelan pa ha?" Pagtataka ni Yong.
Sa bagay. Bakit siya gagawa ng props? Eh sa aming lahat, si Edward ang pinakabusy sa mga workshop dahil nga siya ang bida.
"Why? I want to learn new things." Sagot ni Edward.
Nang matapos kaming kumain. Naglakad na kaming tatlo pabalik.
"Close talaga kayo?" Tanung ko sa kanilang dalawa.
"Mga one year na siguro kami magkaibigan bai." Sagot ni Yong.
"We always saw each other on the auditorium. He was busy making props and I was busy practicing my lines. From then on, we became friends." Sagot naman ni Edward.
"Oo Ate May. Kasi yang si Edward. Kung magpraktis gang gabi. Siya na lang halos matira dito. Eh ako naman, malapit lang dorm ko. Kaya minsan bumabalik ako dito sa school para tingnan kung natuyo yung mga ginawa ko."
"Kaya naman pala ang galing niya talaga umarte nuh."
Tiningnan ko si Edward. Napansin ko na namula siya.
"Alululululu. Namumula si Edward." Asar ni Yong.
"Di ah." Pagkakaila ni Edward.
"Ganyan yan Ate May eh. Di pa rin sanay sa mga papuri. Haha"
Nakakatuwa silang dalawa. Walang alam kundi mag-asaran.
Nakarating na kami sa props storage room kaya nagpaalam na si Yong at babalik na siya sa trabaho niya.
Kami na lang ni Edward ang naiwang naglalakad.
"Are you heading to the auditorium Maymay?" Tanung niya.
"Oo. May isang session pa daw kasi kami for today. Ikaw?"
"Tapos na workshops namin pero may mga dapat pa kong ayusin. So babalik muna ko sa office ng Drama Club."
"Ah. Ang busy mo pala nuh. Bigyan mo naman ako ng mga tips kung pano maging magaling sa pag-arte." Sabi ko.
"Magaling ka Maymay."
"Pero siyempre mas magaling ka ng 100 times."
"Hindi din. I also started as a nobody. You just have to love what you do." Payo niya.
Natanaw kong malapit na kami sa pinto ng auditorium.
"Edward. Dito na lang ako. Pasok na ko sa loob. Thank you nga pala sa lunch." Pagpapasalamat ko.
"Wala yun. You should go in now."
"Sige. Bye." Naglakad na ako papuntang pinto.
"Ahm. Maymay." Tawag niya sa'kin.
"Hmm?" Napatigil ako sa paglakad.
"I was just wondering if you can be my partner." Usal niya.
"Partner? San?" Magulo kong tanung.
"Maybe later this will be announced to you by Direk. Pero sasabihin ko na rin. Baka maunahan pa ko ng iba. An old member needs a partner from the new members. The duo will perform a romantic comedy skit." Explain niya.
"Wow. Mukhang maganda yun ah."
"So payag ka na?" Paninigurado niya.
"Aba siyempre naman. Makakatanggi ba naman ako sa best actor?" Sagot ko.
"Really?" Tanung niya ulit.
"Oo nga." Ang kulit. Haha.
"Thanks." Sabay yakap niya sa'kin.
Author's Note:
Ayan. Malalaman niyo na kung bakit partners in crime pamagat nito. Hahaha. Mag uumpisa na ang mga kakulitan at kakirehan ng dalawa. Haha. Pero ngayon lang ako nakapag UD kasi ang daming ganap sa MayWard. Thank you readers. Vote and comment naman kayo diyan. Thank you guys. Mwahhh. 😙😘😚
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfic[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆