"Hello bai."
"Si Ate May?"
"Oo. Kasama ko."
Sunod na sunod na sagot ni Yong sa tumatawag.
Tiningnan ko siya na parang tinatanung kung sino yon.
"Ate May si Edward daw. Kanina pa tumatawag sa'yo." Sabi niya sa akin habang nakikipagtawagan.
Kinapa ko ang phone ko sa bag ko.
Pagkatingin ko may mga missed calls nga si Edward.
"Hala sorry kamo. Sabihin mo nai-silent ko."
"Ah sige sige. Nandito lang kami sa props storage room bai."
Natapos na silang mag-usap.
"Anung sabi? Galit ba?" Tanung ko kay Yong.
"Hindi naman. Pupunta na lang daw siya dito."
"Bakit daw siya tumatawag?" Usisa ko.
"Hindi sinabi eh. Mukhang nagmamadali kasi siya."
"Ah sige. Hintayin na lang natin siya." Pinagpatuloy ko ang pagtulong kay Yong sa pagliligpit ng mga props na nagamit nung nagperform ang drama club.
"Nga pala. Di pa kita naco-congrats Ate May. Galing niyo ni Edward."
"Salamat. Si Edward talaga magaling. Idol eh."
"Magaling ka din nuh. Di niyo naman makukuha yung best performance kung di kayo magaling pareho."
"Sige na nga. Sabi mo eh." Nakipag-apir ako sa kaniya.
"Pero Ate May, ikaw ah. Yung kilig mo totoo ah." Pang-aasar ni Yong.
"Anung totoo ka diyan? Binibigay ko lang yung tamang emosyon na nababagay." Depensa ko.
"Weh. Si Ate May naman, maging honest na lang. Umiikot ikot pa nga yung mata mo eh." Tinatawanan niya ko habang inaasar.
"Di naman ah. Grabe ka Yong."
"Uy bai, kahit na saglit pa lang tayong nagkakasama. Madali kong mabasa kung nagsisinungaling ka nuh. Kinikilig ka kay Edward eh." Sinundot pa niya ako sa tagiliran.
"What's with that tickling?"
Napatingin kami sa may pintuan, nandun na si Edward.
"Oh. Boy bakod is in the house." Bulong ni Yong.
Tatanungin ko sana kung bakit boy bakod.
Kaso bigla naman na siyang umalis at pumunta sa fire exit ng storage room.
Nilapitan ko na lang si Edward na kasalukuyang nagbababa ng gamit niya sa upuan.
"Uy Edward sorry. Nasilent ko kasi. Di ko tuloy alam na tumatawag ka." Paumanhin ko.
"That's okay." Nginitian niya ko sabay punas sa pawis niya.
Bakit ang gwapo ng pawis niya?
"Yung kilig mo totoo ah."
"Yung kilig mo totoo ah."
"Yung kilig mo totoo ah."
Aish Yong. Minsan talaga naiisip ko kung ikaw ba ang konsensiya ko.
"Bakit ka nga pala tumatawag?" Tanung ko.
"Direk called me early this morning. She wants to see us." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfic[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆