Chapter 10

2.2K 153 44
                                    

"Guys! I am giving you the whole day para makapag-practice kayo para sa skit ninyo. I am looking forward sa performances niyo so better prepare for it, ok?"

"Yes po direk!" Sagot namin.

Wala kaming workshop maghapon kaya kailangan namin gamitin yung time para di masayang.

"Start your practice now. See you tomorrow."

"Bye direk!" Paalam namin.

Umalis na si direk at naiwan kami sa auditorium para magpractice.

"Maymay! Maymay!" May tumatawag sakin pero hindi ko makita kung sino. Punong puno kasi ng members ang stage.

Nagpalinga linga lang ako.

"Maymay." May humila sa braso ko.

Pagtingin ko, si Edward lang pala.

"Maymay, I was calling you kanina pa." Sabi niya.

"Ay sorry. Hindi kasi kita nakita. Ang dami kasing tao."

"That's okay. Anyway, let's start practicing."

"Sige. Pero upo muna tayo. Kailangan nating ayusin yung pagkaka sunod sunod ng scenes." Aya ko.

"Tara. Give me your bag."

"Mabigat to. Ako na lang. Kaya ko." Pagtanggi ko sa kaniya.

"I don't care if it's heavy or not. I'm going to carry that because you're my girl."

"Huh?" My girl daw, tama ako ng rinig diba?

"What I mean is, you're my partner. Give me that." Mabilis niyang inagaw sakin yung bag ko at nagtatakbo na para humanap ng upuan.

Ay ewan ko sa noo ni Edward.

"Dito ka maupo sa harap ko. Para makapag-usap tayong mabuti." Sabi ko sa kaniya.

"No. I'm sitting here beside you." Pilit niya.

"Ay bahala ka." Mapilit din ang isang ito eh.

Kumuha ako ng papel at ballpen para isulat ang pagkakasunod sunod ng mga gagawin namin.

"At first we're going to bump to each other, right?" Tanung niya sa'kin.

"Yes. And then you're going to ano. Ay bakit ba kasi nag eenglish ako? Oo. Tas siyempre hihinto ka para tingnan mo kung anung nangyari sa'kin."

"Then we're going to throw pick up lines."

Tumango tango ako sa kaniya.

"Edward! Edward!" Tawag sa kaniya nung papalapit na lalaki.

Ay parang kilala ko 'to.

"Oh Kuya Luis." Bati ni Edward.

Ay tama siya nga yung nababanggit ni Edward.

"Pakilala mo naman ako." Sabay turo sa'kin ni Kuya Luis.

"Kuya Luis. This is Sadako."

Tiningnan ko ng masama si Edward. Aminado naman ako. Hindi ako nakapagsuklay. Pero ako Sadako? Ewan ko lang talaga sa noo ng lalaking 'to.

Tiningnan lang niya ko at tinawanan ako ng tinawanan.

"Just kidding Maymay. You're beautiful." Sabi niya.

Nakakainis 'tong lalaking 'to. Ang galing mambola. Kanina lang naiinis ako ngayon kinilig ako kahit alam kong binobola niya lang ako.

"Hi Maymay!" Bati sakin ni Kuya Luis.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon