"Sumakay na sa van. The program will start at exactly 6pm." Utos sa amin ni Direk.
"Let me help you. Baka matapakan yung damit mo." Sabi ni Edward habang inaalalayan ako paakyat ng van.
"Thank you." Pagpapasalamat ko.
"Yung gown mo naman kasi Ate May parang pang-kasal. Tas eto namang si Edward, groom na groom ang dating. Basta sa reception na diretso ko bai." Biro ni Yong.
"Yong talaga. Ikaw din naman ah. Formal na formal. Buti nga hindi ka nakaleather jacket ngayon eh." Pang-aasar ko.
"Eh di napagkamalan na naman akong snatcher. Pano ko mananalong Best Actor niyan bai?"
"Edward oh, inaagawan ka ng award." Sabi ko.
"That's okay. Basta hindi ikaw ang aagawin." Nakangiti niyang sagot sabay pisil sa kamay ko.
Bushaaaakkk.
Yung kilig ko mga 88.
"Ay pati talaga ako binabakuran bai." Nagtatampong sabi ni Yong habang sinasara ang pinto ng van.
"Wag na nga kayo mag-ayaw. Aalis na tayo oh. Iistart na ni Manong Driver." Bawal ko sa kanila.
Pinaandar na nga numg driver ang van habang si Edward at Yong ay nagsusuntukan ng pabiro.
Panay pa ang tulak ni Yong kay Edward para mas mapalapit pa sa akin, magkatabi kasi kami ni Edward.
Mga bata talaga.
"Mag-pray tayo." Aya ko sa kanila.
"Sure." Pagpayag ni Edward.
Nanahimik kami ng saglit at nagdasal sa sarili namin.
🙏🙏🙏
"Bai anung gagawin mo pag nanalo ka ulit ng Best Actor Award?" Tanung ni Yong kay Edward.
"That's a good news. But I'm not expecting too much this time. Mahalaga natuto ako and that's what matters most." Seryoso niyang sabi.
"Eh di ba, umpisa pa lang goal mo ng makuha yun?" Tanung ko sa kaniya.
"Oo. But now I have a more important goal."
"Ano?" Usisa ko.
"To get you."
Napalunok ako sa gulat ko.
Wala na talaga siyang preno sa mga sinasabi niya.
"Ehem. Ehem." Umubo ubo si Yong.
Gulat pa din ako kaya speechless lang talaga ko.
"Ay kahit ata magka TB ako hindi niyo ata ako papansinin bai." Sabi ni Yong.
Humarap sa akin si Edward.
"Don't rush deciding if you're not yet ready. We should give ourselves plenty of time. If you like your own space and doing your own things, I'll give you that. Ready akong mag-audition para makapasok sa puso mo."
Napangiti ako.
Bushaaaakkk.
Bakit ganun? Bakit lahat ng sinasabi niya tumatagos sa puso ko?
Hindi ko makayanan. Yung ngiti ko, hindi ko mapigilan.
"Nandito po tayong lahat para masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Edward Barber at Maymay Entrata." Singit ni Yong.
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Hayran Kurgu[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆