"Ate May bakit nag-iisa ka dito sa auditorium?" Tanung ni Yong.
"Katatapos lang kasi ng praktis namin ni Edward." Sagot ko sa kaniya.
"Ah. Eh asan si Edward?"
"Umalis eh. Sabi sakin may pupuntahan daw siya. Hindi ko na natanung kung saan."
"Malamang nakay direk lang un. Wala namang ibang pinupuntahan yun eh."
"Baka nga. Ikaw? Anung ginagawa mo dito?" Usisa ko kay Yong.
"Yung binalik kasi nilang props sakin kahapon kulang ng isa. Tinitingnan ko baka naiwan nila dito." Paliwanag niya habang tinitingnan ang paligid ng auditorium.
"Andiyan lang yun. Gusto mo tulungan kita hanapin?" Alok ko.
"Talaga Ate May? Kaso parang may lakad ata kayo ni Edward. Nabanggit niya sa'kin kahapon." Bigla niyang naalala.
"Ah oo. Pero mamaya pa naman yun. Habang wala akong ginagawa. Tulungan muna kita." Alok ko ulit.
"Wag na. Baka mapagod ka pa. Magalit pa sa'kin si Edward."
"Hala siya. Sige na tulungan na kita. Nagpapabebe ka pa eh. Tsaka bakit naman magagalit yun?"
"Wala naman. Bidahan mo na lang ako." Sabay ngiti niya ng nakakaloko.
"Tingnan lang natin kung makatulong yung pagbibidahan natin sa paghahanap mo. Tsaka anu naman ang ibibida ko sayo?" Tanung ko.
"Saan kayo pupunta ni Edward?"
"Magsisine. Kailangan kasi namin yun para sa skit." Sagot ko.
"Grabe ka naman Ate May. Tinatanung ko lang kung saan kayo pupunta. Nag explain ka na agad."
"Ewan ko sayo Yong. Di ko na ulit sasagutin mga tanung mo."
"Eto naman pikon. Porket may date kayo ni Edward." Pang-aasar niya.
"Hindi date yun. Para yun sa skit. Sabi kasi sakin ni Edward kailangan daw namin makita yung mga atake ng actors." Pagpapaliwanag ko.
"Nakuuu. Anung tingin mo kay Edward, Ate May?" Nakakaloko niyang tanung.
"Huh? Anung tingin ang sinasabi mo diyan? Di kita magets." Naguguluhan ako kay Yong.
"Wag ka nga Ate May. Alam kong naiintindihan mo ko bai."
"Hindi nga. Tatanungin ko ba kung nagets ko?"
Tiningnan niya lang ako nang nakakaloko. Magkaibigan nga sila ni Edward. Parehas magulo kausap.
"Maymay! Yong!"
Sabay kaming tumingin ni Yong sa pinto ng auditorium.
Nakatayo dun si Edward at tumakbo papunta sa amin.
"Ayan na yung kadate mo." Bulong ni Yong.
"Sira." Sinikmuraan ko siya ng mahina. Pang asar na Yong. Daming alam.
Pawis na pawis si Edward na lumapit sa amin.
"Yong, you can't ask Maymay to help you today. Because we're going to see..."
"Bai! Bai! Tama na bai. Hindi ko pwedeng abalahin si Ate May ngayon kasi may pupuntahan kayo. Okay na bai. Malinaw na malinaw. Kahapon mo pa sinasabi yan. Mga pitong beses lang naman." Sabat ni Yong.
Tawang tawa ko sa pagpapatahimik ni Yong kay Edward. Ang kulit lang eh. Di ko kinaya yung paulit ulit na bilin daw ni Edward. Bakit naman kaya?
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fanfic[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆