Chapter 22

2K 140 25
                                    

"Okay na ba kayo?" Tanung ni Direk.

Nagtinginan lang kami ni Edward, bahagya kaming natatawa sa tuwing naaalala ang mga nangyari.

"Balita ko nagkaroon kayo ng konting hindi pagkakaunawaan." Dagdag ni Direk.

"Kanino niyo po nalaman?" Tanung ko.

"Kanino pa nga ba? Eh di kay Yong. Tinatanung ko kasi nung minsan kung bakit di kita nakikitang pumapasok at kung bakit itong si Edward ay nagkukulong maghapon dun sa actors' quarters." Paliwanag ni Direk.

Si Yong talaga. Pero teka teka may napansin ako sa sinabi ni Direk eh.

"Nagkukulong ka maghapon?" Usisa ko kay Edward.

Hindi siya sumasagot. Nakayuko lang siya.

"Hindi pa kamo kumakain." Dagdag ni Direk.

Minulagatan ko si Edward. Gusto kong malaman kung bakit.

"I was just..... I was reading a lot of scripts." Tugon niya.

"Ah." Tumango tango ako.

"Maniwala ka diyan. Naku Maymay tandaan mo best actor yan." Sabay tawa ni Direk.

"I'm telling the truth." Pilit ni Edward.

"Osiya. Pwede ko na bang makuha yung list ng movies, para maprepare ko na yung mga kakailanganin?"

"Eto po direk." Inabot ko sa kaniya ang listahan.

"Okay. I see good titles here. Thank you for helping me." Pagpapasalamat ni Direk.

"Wala po yun ma'am."

"Sobrang laking tulong nito. Kaya naman kung may request kayong dalawa or may pabor kayo sa'kin huwag kayong mahihiya."

"I've got one request." Bahagyang itinaas ni Edward ang kamay.

"Uy Edward, wag na." Mahina kong sabi sa kaniya.

Umiling iling siya kaya sinisipa sipa ko siya ng mahina para pigilan siya.

"Yes Edward. Ano yun?" Tanung ni Direk.

"If you wouldn't mind po. Is it okay if you're the one who'll make Maymay's recommendation letter?"

"Sure. Yun lang naman pala."

Nahihiya akong ngumiti kay Direk.

Si Edward talaga pabigla bigla eh.

"Thanks Direk." Pagpapasalamat ni Edward.

"Sa totoo lang kaya binigay ko yung responsibility kay Edward na gumawa ng letter kasi mas nakakasama niya kayong members. Mas nakikita niya kung ano talagang status niyo. Kung sino talaga yung medyo nag struggle financially. 5 slots lang kasi ang available for scholarship so gusto kong maibigay yun sa mga taong kailangan talaga ng tulong at sa mga taong deserving."

"Naiintindihan ko po." Tugon ko.

"And I want you to know that you deserve it Maymay." Sabi ni Direk.

"Talaga po? Salamat po direk." Napatakbo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. "Sobrang laking tulong po talaga nito. Salamat po." Walang tigil kong pasasalamat.

"You don't need to thank me. Magpasalamat ka sa talent mo."

Masaya akong bumalik sa upuan.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon