Chapter 50

1.7K 104 52
                                    

MAYMAY'S POV


Ngayong araw na ang start ng shooting namin para sa movie.


"Ate May palitan mo daw yung gagamitin mong bag para sa scene 1, eto oh." Sabay abot sa akin ni Yong ng shoulder bag na dala dala niya.


Nakatingin lang ako sa kawalan.


"Ate May, okay ka lang?" Tanung ni Yong.


"Huh?"


"Kanina pa kasi kita pinagmamasdan parang may malalim kang iniisip." Komento niya.


"Wala, inaantok pa kasi ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maaga kagabi." Palusot ko.


Totoong inaantok ako, pero dahil yun sa pag-iisip ko kung anung pwedeng maging dahilan kung bakit nagawa yun ni Kuya Tanner.


Nakita kong paparating si Kuya Tanner sa loob ng tent namin.


"Kuya Tanner!" Nakipag high five si Yong sa kaniya.


Nginitian ko lang siya.


May ibinaba siyang bouquet ng flowers sa lamesang nakaharap sa akin at lumabas na rin kaagad sa tent.


Sumunod ko namang natanaw na papasok ng tent si Edward.


"Edward bai!" Salubong sa kaniya ni Yong.


Tiningnan ko ang kamay niya, wala ng benda. Salamat naman at mukhang magaling na siya.


"Who gave those flowers?" Usisa ni Edward.


"Ah yan ba? Yang nasa harapan ni Ate Maymay?" Tinuro ni Yong ang bouquet.


Tumango si Edward.


"Kay Kuya Tanner." Sagot ni Yong.


Hala. Ibinaba lang naman ni Kuya Tanner yan diyan. HIndi naman sinabing sa akin. Si Yong talaga.


"Why would he give a bouquet of flowers to Maymay?" Taas kilay na tanung ni Edward.


"Hindi..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko.


"Pinabili ko yan kay Kuya Tanner bai. Kasi naibida niya sa akin minsan na malapit lang daw yung tinitirhan niya sa flower shop. Kaya siya na lang pinabili ko. Sayang din kasi sa pamasahe. Props natin yan mamaya." Paliwanag ni Yong.


Yun naman pala. Si Yong hindi pa sinabi agad eh. Napatanung pa tuloy si Edward, akala niya bigay ni Kuya Tanner sa akin.

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon