MAYMAY'S POV
"Yong!" Tawag ko nang makita ko na nasa labas siya ng room nila.
"Oh Ate May. Anung ginagawa mo dito?" Tanung niya.
"Tapos ng klase niyo?" Usisa ko.
"Hindi pa, pero hindi kasi dumating yung prof. 15 minutes na lang dismissal na. Hindi na siguro darating yun."
"Ganun ba? Sasabay sana ako sa inyo mag-lunch."
"Sige. Asan pala si Kisses?"
"Hindi ko kasama eh. Umuwi siya, naiwan daw niya clear book niya sa bahay nila."
"Ay. Sayang naman. Ngayon pa lang sana tayo magkakasabay na kumaing apat." Panghihinayang niya.
Sumilip si Edward sa labas ng pinto nila.
"Maymay!" Tumakbo siya papunta sa'kin nang makita niya ko. Yumakap siya.
"Oh bitaw na!" Bawal ni Yong.
Inirapan siya ni Edward. Nag-aasaran na naman sila.
"May payakap-yakap pa eh. Bakit pag ako binabati mo bai, hindi mo ko niyayakap?" Pagalit na tanung ni Yong.
"Are you jealous?" Nakakalokong tanung ni Edward kay Yong.
"I-hug mo na kasi si Yong. Tampo na siya." Tinawanan ko si Yong.
"Wag na, wag na." Awat ni Yong.
Tinawanan lang namin ni Edward si Yong na halos malukot ang mukha kakasimangot.
"Pero iba ka bai ah. Si Boy Bakod minsan The Flash na din eh." Sabi niya kay Edward.
Babatukan sana siya ni Edward.
"Wag na kayo mag-away. Gutom na ko." Sabay turo ko sa tiyan ko.
"Sige kunin lang namin gamit namin." Paalam ni Yong.
Pumasok sila parehas sa loob.
Go Maymay! Chance mo na 'to para umpisahan ang plano mo. Kaya mo yan.
Lumabas silang nag-uunahan at kumapit parehas sa magkabila kong braso.
"Para kayong mga bata." Puna ko.
Pilit tinatanggal ni Edward ang pagkakakapit ni Yong sa akin.
Si Yong naman ay dumidila dila lang.
"Ay sige na nga. Kayo na lang magkapitan diyan. Suko na 'ko. Grabe yung bakod. Parang may kuryente." Naaasar na sabi ni Yong.
Nauna na din siyang lumakad sa amin. Napapanu kaya yun? Hahaha.
Si Edward naman na imbes na kumapit ay inakbayan ako.
Madyo nagulat ako.
Pero magandang pagkakataon 'to para makausap ko siya ng kami lang, baka kasi pag narinig ni Yong, magtanung pa yon. Baka mabuko pa 'ko.
"What do you want for lunch Maymay?" Tanung niya habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Ikaw..."
Napahinto siya at tinitigan niya ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko.
May mali ba sa sinabi ko?
Nung marealize ko ang sinabi ko.
"Ang ibig sabihin ko. I-ikaw? Ikaw anu bang gusto mo? Baka magustuhan ko rin."
BINABASA MO ANG
Partners in Crime [COMPLETED] - MayWard
Fiksi Penggemar[HIGHEST RANK - 19] Masasabing Partners in Crime nga si Maymay at Edward. Pero pwede din ba silang maging Partners in Love? 😆