Chapter 15

2K 135 21
                                    

Dalawang linggo na lang bago magpasukan, kaya naisipan namin ni Kisses na pumunta ng library.

Titingnan ko kung kumpleto ba dito ng mga libro na gagamitin namin, para manghihiram na lang ako kasi wala naman akong pera pambili ng mga libro.

"Ate May nakita ko si best actor sa labas. Nagtapon kasi ko. Nakita ko andun siya sa may baggage counter."

"Ah. Si Edward ba? Baka may hahanapin din na libro." Hula ko.

"Parang hindi eh. Parang may hinahanap, kasi panay ang tanaw niya." Paglalarawan ni Kisses.

"Puro 2015 edition pa yung iba dito. Pa'no kaya 'to?" Tanung ko kay Kisses.

"Baka umorder pa lang ng 2017. Konti lang naman yung binabago nila sa libro. Pwede pa din kahit delayed ng ng 2 years yung book."

"Sa bagay, nung nakaraan nga cover lang pinalitan nila eh." Pagkaka-alala ko.

Nagfill-up ako ng request form at ipinasa sa librarian.

"Kisses, iihi lang ako ah." Paalam ko.

"Kaiihi mo lang Ate May ah."

"Naiihi ako ulit eh. Dami ko kasi nainom na tubig."

"Nakuu. Ang sabihin mo titingnan mo lang si best actor." Pang-aasar niya.

"Hindi ah. Bakit ko naman siya titingnan?"

"Kunwari ka pa Ate May. Sige na, umihi ka na kunwari. Hahaha." Sabay taboy niya sakin.

Naglakad ako papuntang front door ng library. Natanaw ko si Edward na sumisilip sa loob ng library na para ngang may hinahanap.

Kunwari hindi ko siya nakita. Nagtuloy-tuloy ako ng paglalakad.

"Maymay!" Tawag niya sa akin.

Nagpalinga-linga ako na parang hindi ko alam kung san eksakto siya nakatayo.

Ganyan nga Maymay, magmaganda ka. Hahaha.

"Uy Edward! Anung ginagawa mo diyan?" Kunwari kong tanung.

"I'm looking for you kanina pa." Sabi niya.

Yes! Ako ngang hinahanap niya. Haha. Bushak! Tuwang tuwa ka naman Maymay.

"Bakit? May kailangan ka?" Usisa ko.

"I just want to give you something."

"Ay ganun ba? Teka lang ah. Iihi kasi ako. Kita na lang tayo sa student's lounge after 20 minutes. Okay lang?"

"Sure." Pagpayag niya.

Nagmamadali ako naglalakad.

"Ahm. Maymay?" Tawag niya ulit sa akin.

"Hmm?" Tanung ko.

"That's not the way to the comfort room. It's the other way." Turo niya.

Aish nakakahiya ka Maymay. Lula ka na naman. Bushak ka.

"Ah. Hehe. Nalito na ko sa sobrang pagmamadali ko. Salamat. Hehe." Grabe bai. Nakakahiya naman yun.

Dumaan ako sa CR pero nagsalamin lang ako. Okay na ba itsura ko? Maymay kelan ka pa naconscious sa itsura mo?

Bumalik ako sa library para magpaalam kay Kisses.

"Kisses, puntahan ko lang saglit si Edward ah." Paalam ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka naman umihi eh. Ate May talaga oh. Yieee." Pang-aasar ni Kisses.

"Hala. May ibibigay lang daw siya sakin."

"Alin? Yung puso niya. Naku Ate May ah. Basta magbibida ka."

"Kung anu-anong naiisip mo Kisses. Oh sige na bye muna." Nagbeso kami.

"Bye bye. Buti na lang pinapauwi na din ako ni Daddy." Kinuha na din niya ang gamit niya at sabay kaming lumabas ng library.

Pumunta ako sa students' lounge. Hindi ko mahanap si Edward sa first floor. Palagay ko nasa 2nd floor siya.

Umakyat ako. Nasa hagdan pa lang ako. Nakita ko na kaagad ang likuran ni Edward.

Medyo kabisado ko na din siya kahit saglit pa lang kaming magkakilala.

Naramdaman niya na may taong paakyat kaya lumingon siya sa gawi ko.

"Maymay!" Tawag niya.

Kumakaway siya habang tinatawag ako.

Hala. Ang gwapo niya habang medyo tinatamaan siya ng sinag ng araw.

Bushak! Parang kanina pa ko naglalakad pero bakit hindi pa rin ako makarating sa kinauupuan niya. Parang huminto ata ang paligid.

Kriiiinnnnnggg. Kriiiiinnngggg.

Natauhan ako sa tunog na nanggaling sa phone ni Edward.

"Hello ma."

"Yes ma."

"Sure ma. Don't worry."

"Bye. I love you."

Naupo ako sa tabi niya.

"It's my mom. She called." Sabi niya.

"Oo nga. Narinig ko sa mga sagot mo."

"Here. I bought some snack for us." Inabutan niya ako ng isang sandwich at juice drink.

"Salamat. Ano nga pala yung ibibigay mo sa akin?"

"Here. These are the photos taken from our performance." Inabot niya sakin ang isang maliit na sobre na may laman na mga litrato.

"Sinong nagpicture?" Tanung ko.

"I don't know who. Direk gave it to me kanina." Explain niya.

"Hahaha. Para kong sira dito oh. Ikaw kasi ang lakas ng pagkakabunggo mo sa'kin eh." Hinugot isa-isa ang mga pictures sa lalagyan.

"I didn't know that it'll have a strong impact. I just felt it when I bump into you." Defensive niyang sagot.

"Sa akin na lang 'to ah. Ang cute kasi eh." Agaw ko ng litrato sa kaniya.

"Sure. Let me have this one. I look like I was about to explode from anger. Hahaha." Tinuturo niya ang mukha niya na parang na-third degree burn sa pagkapula dahil sa galit.

Pinakita niya yung litrato sa akin. Tawang tawa ako.

"Yan yung galit na galit ka kasi tinatawag kita ng Brad."

Oo nga naalala ko na. Haha.

"Here. Look at this, my face is very serious and I'm really focus on typing." Ginagaya niya yung ginawa niya. Ang kulit niya. Haha.

"Hahahaha. Parang di ka papahuli ng buhay. Papatayin ko kung sinong mangangalabit sa akin. Parang ganun sinasabi mo eh."

Tawa lang kami ng tawa sa mga pictures.

Masakit na rin ang tiyan namin.

"Look at us." Inilabas niya yung picture kung saan hawak niya ang pisngi ko.

Sobrang ganda ng kuha.

Yung tipong kikiligin ka pag tiningnan mo.

"Ending na yan diba?" Tanung ko.

"Yup. We look great here. It looks like we're really in love." Sabi niya sabay titig sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Bakit parang biglang uminit?

"Ah. O-oo nga. Ang ga-ganda nung shot."

Bahagya siyang lumapit at patuloy na tumitig sa mata ko.

"Your eyes says you're feeling it too."

Author's Note:
Ayan po. Maikli lang po pero puno ng kakirihan. Hahaha. Kumusta po kayo? Keep on voting and reading guys. Sa mga masisipag pong magcomment, labyu po. Haha. 😍

Partners in Crime [COMPLETED] - MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon